Monday , September 20 2021

Threat na kay Vice Ganda

Tinanong din siya  Paolo kung willing  siyang makasama si Vice Ganda sa pelikula?

Itinuro niya si Direk Lana. “Siya ang pipili eh, why not?,” pakli niya.

“Depende..Kung mag-push, why not?,” dagdag pa niya.

Sabi nila threat daw siya ngayon kay Vice Ganda.

“Buhkittt?”mabilis niyang sagot sabay tawa.

Lalo na ‘pag parehong pumasok sa Metro Manila Film Festival ang mga pelikula nila.

“Ano ba?Wala namang ganoon. Lahat naman  ng pelikula na nag-submit sa  MMFF, ang gusto nila ay maipakita ‘yung  mga pinaghirapan nila, ganoon. So, I guess lahat ‘yan ay pare-parehas na magagandang pelikula otherwise hindi naman isa-submit, ‘di ba? So, pare-parehas  lang naman kami ng aim na mapasaya at magustuhan ang audience. So, walang ano threat –threat walang ganoon,” bulalas pa ni Paolo.

Paano kung pareho ring pumasok ang Die Beautiful at Enteng ni Bossing Vic? Posibleng magkalaban  din sila sa Best Actor

“Ay ‘di ano..wala naman..I’m sure  hindi naman mada-down si Boss Vic. Siyempre si Bossing ang tagal na nating idol ‘yan. Kasama rin ako sa film niya, eh. Nakita ko na rin ang dedication ni Bossing. Inaabot kami ng madaling araw pero ang lolo mo talagang  deadma lang, masaya lang, alam mo ‘yun. Hindi mo iisipin ‘yung sa tagal niya sa showbiz , sa sobrang successful, wala siyang demand. Hindi siya nagde-demand so, kami kahit pagod na pagod na kami, si Bossing nga hindi nagrereklamo. So, kung mananalo siya of course, deserved niyang manalo,” deklara pa niya.

‘Pag pumasok ba ang movie niya, magga-gown siya sa awards night ng MMFF?

“‘Pag natuyo ang gown ko.Charoot,” pakli niya na nagbibiro.

Ang Regal  Entertainment Inc. ang magre-release ng Die Beautiful na intended for Metro Manila Film Festival 2016.  Ito ay prodyus ng The Idea First Company at ng  Octobertrain Films.

Ayon kay Ms. Roselle Monteverde, may personal attachment sila kay Direk Lana at ang first directorial job nito ay mula sa Regal Films kaya ganoon na rin kung suportahan nila ito.  Dahil dito nagkaroon ng grand welcome presscon courtesy of Mother Lily and Roselle  para kina Paolo B at Director Jun  pagkatapos ng tagumpay  nila  sa 26th Tokyo International Filmfest.

Kasama rin sa pelikula sina Joel Torre, Gladys Reyes, Luis Alandy, Albie Casino, Lou Veloso, Christian  Bables, IC Mendoza, Cedrick Juan at may ilang surprise cameo appearances pa raw  sa pelikula.

Aminado si Paolo na pinahirapan  at pinagdusa siya ni Direk Jun sa pelikulang Die Beautiful kaya nagka-award siya.

Wala siyang time na mag-relax at maupo kasi pagdating niya sa set, siya ang magme-make up sa sarili niya tapos kukunan kaagad at halos lahat ng eksena na kasama siya. Pinagod talaga siya.

“Minsan talaga nababanas na kami. Ha!ha!ha! Minsan ‘yung cut kasi isang buhok lang na naka-ganoon (nakatayo) , uulitin ‘yun hanggang masusuklay, maging flat. Eh, siyempre wig ‘yung buhok namin, paano mo mapa-flat ‘yun? Pero siya, hindi talaga siya titigil hangga’t hindi nakukuha ‘yung gusto niya. Pero at the end of the day,  kapag natapos naman ‘yun , tinitingnan na namin, Diyos ko day, ang ganda ng mga hitsura namin, ang ganda ng shots,” kuwento pa niya.

 

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *