Friday , April 19 2024

Pacman sumabak agad sa Senado (Pagbalik sa PH)

AGAD sumabak sa trabaho si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Sa kanyang pagdating nitong umaga sa bansa, sinabi niyang papasok agad siya sa kanyang trabaho sa Senado.

Ipinaabot ni Pacquiao ang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mamamayang Filipino dahil sa suportang pinakita sa laban niya.

Kanya ring ibinida na siya ay natutuwa na maraming Filipino ang nanood sa laban niya sa dating WBO welterweight champion na si Jessie Vargas sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas nitong nakalipas na Linggo.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Pacman si retired boxing champion Floyd Mayweather Jr., dahil pinaunlakan ang kanyang imbitasyon na manood sa kanyang laban.

Bukod sa Team Pacquiao, kasamang dumating sa bansa ng senador si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa, dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at iba pa.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *