Tuesday , May 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 36 bala ng cal 25 sa NAIA (Septuagenarian tiklo)
36 bala ng cal 25 sa NAIA  (Septuagenarian tiklo)

36 bala ng cal 25 sa NAIA (Septuagenarian tiklo)

ISANG kaso na naman ba ng laglag-bala ang pagkakasabat sa isang Filipino-American septuagenarian na nahulihan ng 36 piraso ng bala para sa calibre .25 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)?

Ang mga bala ay natagpuan ng security screening officers sa NAIA south-wing area sa loob ng bag ng pasaherong kinilalang si Rufino A. Rondaris, 79-anyos.

Kararating ni Rondaris sa NAIA mula Los Angeles, California sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight PR103 at isang connecting passenger ng PR2196 patungong Laoag City nang pigilan siya ng mga awtoridad dakong 11:30 am.

Ayon sa pulisya, nadiskobre ang mga bala sa loob ng green handbag ng pasahero habang siya ay idinaraan sa x-ray machine sa final security checkpoint.

Itinanggi ni Rondaris na kanya ang mga bala, aniya, nagtataka siya kung bakit humantong ang mga bala sa kanyang carry-on bag.

Makaraan maimbestigahan, agad inilipat sa Intelligence Division ng 2nd Aviation Police Station si Rondaris para sa kaukulang diposisyon.

( GLORIA GALUNO )

About Gloria Galuno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top