Saturday , April 20 2024
bong revilla

Ex-Sen. Bong Revilla isinugod sa ospital

ISINUGOD si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Saint Luke Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig bago magtang-hali kahapon.

Nakaranas nang matinding migraine attack at tumaas nang bahagya ang kanyang pres-yon kung kaya’t isinugod sa ospital.

Unang dinala sa PNP General Hospital ang dating senador na binigyan ng paunang lunas, ngunit sa tindi ng migraine na nararanasan ay humiling ang pamil-ya na ilipat na lamang siya sa St. Luke Medical Center.

Mismong ang asawa niyang si Lani Mercado ang humiling na ilipat dahil sa takot na mauwi sa “aneurism” ang kalagayan ng dating senador.

Si Revilla ay kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame dahil sa plunder case na kinakaharap bunsod ng pork barrel fund scam.

Kasama ni Revilla na nakulong sa Custodial Center ay si Sen. Jinggoy Estrada.

Hindi pa nagbigay ng pahayag ang pamunuan ng pambansang pulisya kaugnay sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *