Tuesday , April 16 2024
blind item woman

Sexy star na wa nang career biglang tigil sa droga (Takot matokhang)

DAHIL sa pagkakadakip ng mga kasabayang boldstar, na sangkot sa paggamit at pagtutulak ng shabu at parehong nakapiit ngayon sa kulungan, biglang tigil raw sa pagdo-roga ang controversial na hubadera na namamahinga na ang career ngayon.

Natunugan raw kasi ni dating sexy star na may husay sa pag-arte na kasama siya sa ikakanta ng mga nahuli kaya sa takot na matokhang ay stop na raw sa pagratrat ng ipinagbabawal na gamot na talamak raw sa kanilang lugar sa Laguna.

Oo nga naman paano na ang mga anak niya kapag nabulilyaso siya, e tanging ang tinutukoy nating biyuting bombera lang ang inaasahan nila dahil iniligwak na sila ng kani-kanilang mga ama.

Hay nakalulungkot talaga ang sinapit ng baliw-baliwang hitad gyud!

Nasaan na si Katherine Luna?
EX-SEXY ACTRESS
MAY RESEMBLANCE
KAY LIZA SOBERANO

Isa kami sa maraming naghihinayang kay Katherine Luna, na maganda ang karera noon at isa sa kinilalang best actress ng kanyang henerasyon.

Early 90s nang bumulaga ang pangalan ni Katherine bilang title role sa pelikulang “Ang Babae Sa Breakwater.”

Katambal ang visible pa rin hanggang ngayong indie actor na si Kristoffer King.

Nakalulungkot ang sinapit niya mula nang magpalit-palit ng lalaking karelasyon at naanakan ng mga boyfriends kaya biglang naglaho ang career.

Samantala, hindi lang ang acting ng dating sexy star ang pinag-uusapan noon sa showbiz kundi ang kagandahan niyana malaki ang hawig sa globally famous na Hollywood star na si Julia Roberts.

At aming na-witness na bukod sa foreign actress na si Julia ay may resemblance rin pala si Katherine kay Liza Soberano na pang international naman ang beauty.

Nasaan na kaya si Katherine? Puwede siyang gumanap na nanay ni Liza.

BAE JON HEAVILY GUARDED
ANG KAPATID NA
SI TAKI SA “TROPS”

Kahapon sa episode ng top-rating na Millenial Youth Oriented TV Program na “TROPS” ay pinababantayan ni BAE Jon kay Bae Miggy ang kapatid niyang si Taki, kasi may umaali-aligid raw na stalker sa dalaga.

Heavily guarded nitong si Jon ang kaniyang sister, na diyosa ng kagandahan at ayaw niyang paligawan sa kahit kaninong guy lalo sa mga katropang Baes. Pero paano kapag may napusuan na ang dalaga? Mapigilan kaya siya ng kanyang Kuya na very strict sa boys.

Dadalo sa Holloween Ball si Taki.

Naku, baka dito na niya matagpuan si Mr. Right. Si Bae Kenneth na kaya ang maaaring pumana sa kanyang puso? Abangan si Taki kasama ang EB Baes sa TROPS, na mapapanonood Lunes hanggang Biyernes tuwing 11:30 ng umaga bago mag Eat Bulaga sa GMA-7.

INDAY HENYO SEARCH FOR KASAMBAHAY
SA KALYESERYE MAY COOKING TIPS SA TV VIEWERS

Matapos tangkilikin nang milyon-milyong Dabarkads ang Pinoy Henyo, may bagong henyo segment ngayon sa Kalyeserye ng Eat Bulaga na pinagbibidahan ng ALDUB love team nina Alden Richards at Maine Mendoza at tatlong lolas na sina Tinidora (Jose), Nidora (Wally) at Paolo bilang pretty lola Tidora at ito ang “Inday Henyo” na Search for Kasambahay.

Mula Lunes hanggang Biyernes ay dalawang kalahok ang isinasalang para maki-chika, makipagsayawan sa mga lola ni Maine at magluto ng kani-kanilang specialty ulam na lutuin na unique at binibigyan ng sariling pangalan at dapat kikay para kaaliwan at makapagpatawa sa studio audience at homeviewers.

Base sa kanilang performance, dito huhusgahan ng mga judge kung sino ang dapat at may “k” para maging daily winner.

Isa sa nagpakita na ng talent, na nagwagi sa Inday Henyo ay si Joan Laniog ng Iloilo City na nagluto ng Bang Bang into Bangus na Nakaaaliw.

Abangan din ninyo ang bigay na tip araw-araw ni Inday Henyo na dagdag kaalaman para sa ating mga misis.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *