Thursday , September 23 2021

Hindi ako bakla! — Christian Morones

NOON pa man ay pinagdududahan na ang pagkalalaki ni PBB teen housmate Christian Morones. Noon kasi’y walang habas siya kung magtaray sa kapwa niya teen housemates lalo na nang makaalitan  si Marco Gallo na na-evict two weeks ago.

Sa rami ng magagandang female teen housemates, ni isa ay hindi raw siya nagkagusto o nagka-crush.

Tinuldukan na ni Christian ang umiikotna tsismis sa loob at labas ng Bahay ni Kuya.

Noong isang gabi, sa ginawang paggisa ng mga evicted housemate sa tatlong may hawak ng flag na sina Yong Christian at Edward ay natanong ni Kristine  mula sa netizen kung bakla ba si Christian?

“I am not gay,” giit ni Christian.

Kilalang-kilala raw ni Christian ang sarili at lalaking-lalaki siya. Nagkataon nga lang na medyo malambot sa pananalita dahil nga marami raw babae sa kanilang pamilya.

Kung di man nagkakagusto si Christian o nagkaka-crush sa mga babaeng teen housemates, what’s wrong? Bata pa naman si Christian, he’s only 15 years at marami pang pagkakataon na magkaka-crush siya.

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *