Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 utas, 7 arestado sa buy-bust

PATAY ang apat hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis habang pito ang arestado sa buy-bust at drug operation sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Sr. Supt. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, dakong 2:30 am nang isagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 1 sa pangunguna ni Senior Insp. Waldo Gontogon, kontra sa hinihinalang drug pushers na sina Rodel Dela Cruz, Robert Putol at isa pang hindi nakilalang lalaki sa 107 Zapote St., kanto ng Tandang Sora, Brgy. 150 Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Napansin ng mga suspek na mga pulis ang kanilang katransaksiyon kaya naglabas sila ng baril ngunit pinaputukan ng mga awtoridad na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Habang dakong 2:50 pm nitong Linggo, sa isinagawang “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng SAID-SOTG sa pangunguna ni Insp. Cecilio Tomas sa Tupda Village, Brgy. 8, napansin ng mga pulis si Danilo Heman na tumakbo sa loob ng bahay saka pinaputukan ang mga operatiba.  Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng suspek.

Habang nadakip sa nasabing operasyon sina Jeffrey Garcia, 33; Raymart Picaña, 34; Rodel Consomino, 23; Richard Brazil, 59; Isidro Castrodez, 27; Sheryl Solano, 36, at Celeste Grace Gutierrez, 38-anyos.

( ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …