Thursday , August 5 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Isang drum na shabu lumutang sa dagat ng Aurora

Isang drum na shabu lumutang sa dagat ng Aurora

ISANG drum na puno ng tinatayang 40 kilo ng shabu ang natagpuang lulutang-lutang sa baybaying-dagat ng Dingalan, Aurora.

Ayon sa ulat, ang drum ay natagpuan ng isang mangingisda makaraan manalasa ang bagyong Karen sa probinsiya ng Aurora nitong nakaraang linggo.

Sa ngayon, ang natagpuang drum ng shabu ay dinala na sa regional office ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Luzon.

Gayonman, hindi pa madetermina ng naturang ahensiya kung saan galing ang naturang ilegal na droga.

( MICKA BAUTISTA )

About Micka Bautista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top