Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ryza, napapikit habang pinanonood ang masturbation scene
Ryza, napapikit habang  pinanonood  ang masturbation scene

Ryza, napapikit habang pinanonood ang masturbation scene

MASUWERTE si Ryza Cenon dahil supporting role lang ang gusto niya sa audition ng Ang Manananggal sa Unit 23B na showing sa QCinema International Film Festival pero nagustuhan siya noong sabihan siyang subukan niya ‘yung lead role.

“Sobrang blessed nga na ikinonsidera nila ako na i-try ‘yung Jewel. Yung lead,” reaksiyon niya.

READ MORE:  Fan ni Kathryn, nag-utos na buhusan ng oil sina Nadine at Liza

Pinag-uusapan ang masturbation scene ni Ryza sa nasabing indie movie na idinerehe ni Prime Cruz. Prodyus ito ng Idea First nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana. Napapikit nga siya noong ipalabas ang eksenang ‘yun sa World Premiere.

Umaasa ba si Ryza na manalong Best Actress sa filmfest na ito lalo’tUltimate Female Survivor siya ng StarStruck season 2 at ‘yung runner-up niyang si LJ Reyes ay nagwagi ng Best Actress sa Anino sa Likod Ng Buwan?

READ MORE:  Ogie Alcasid, lilipat na rin sa ABS-CBN?

“Hindi naman, wala namang competition. Wala namang competition, ‘di ba? Masaya ako and proud ako na nanalo siya, international tapos ang dami pa rito so, mas maganda rin kung makakuha rin ako (ng award) para siyempre ‘yung batch namin, at least ‘di ba?,” bulalas niya.

READ MORE:  Kylie, nanay na rin ang turing kay Mariel

Bukod sa Ang Manananggal sa Unit 23B ay visible rin si Ryza sa telebisyon. May guest appearance siya sa Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved