Thursday , April 25 2024

Pag-ibig ni Lovi kay Boyet sa “The Escort” may presyo, primera aktresa bigay na bigay kina Derek at Boyet

BUKOD sa bansag na primera aktresa kay Lovi Poe, bankable star din ang alaga ni Leo Dominguez.

Ilan sa mga pelikula ni Lovi sa Regal Entertainment ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ang kumita kabilang na ang pinagsamahan nilang movie noon nina Carla Abellana at Jake Cuenca na “My Neighbor’s Wife.”

Dito unang nagpakita ng kanyang alindog ang aktres. Sa latest film ni Lovi ngayon na “The Escort,” tiyak na pag-uusapan na naman ang passionate love scenes niya sa dalawang leading men na sina Derek Ramsey at Christopher de Leon.

Sa film, escort girl ang trabaho ni Lovi na kina-inlaban ng palikerong karakter ni Derek at mayamang si Boyet na gusto siyang (Lovi) bilhin para makasama dahil kahit daw ang pag-ibig niya ay may presyo.

Pero per order lang daw dito si Lovi, at wala siya sa menu na ang ibig sabihin ay pang isang gabing serbisyo lang siya o mas kilala sa tawag na one night stand. Dahil todo bigay sa lampungan ay nasabi tuloy ni Derek na mas palaban raw si Lovi kompara kay Ellen Adarna.

Ano kaya ang masasabi ng primera aktresa rito? “Hindi ko alam kung gaano ako palaban. I just try my best to deliver, what I can give. Siyempre, I owe it to my director, co-actors. Parang ‘yun lang naman ang iniisip ko,” sey ng singer-actress na siyang kumanta ng official theme song ng kanilang movie na “No Ordinary Love.”

It was popularized by Sade na recently ay ini-launch sa YouTube at nakakuha nang maraming views tulad ng trailer nila na humamig nang more than one million views.

Si Enzo Williams ang director ng The Escort. Palabas na sa November 2, ang erotic movie ng taon gyud!

ISTORYA NANG PAGMAMAHALAN

NINA ALDEN AT MAINE

MADURUGTUNGAN SA EAT BULAGA

Surprising para sa ALDUB nation ang teaser ng love story nina Alden Richards at Maine Mendoza na madalas ipalabas sa Eat Bulaga at Official Facebook Fan Page ng EB na humamig na ng more than hundred of thousands views.

Tanong tuloy nang marami, ibabalik na ba ng kanilang favorite noon time show ang KalyeSerye ng AlDub o magkakaroon ng sariling segment ang dalawa na inaasam na mangyari ng kanilang fans sa buong mundo.

Narito pala ang kabuuan ng teaser ng nasabing phenomenal loveteam, “A Good Love Story Knows no end… It Lingers and continues to beat, to the rhythm of forever. Bawat araw ay simula, para ang pagmamahalan ay madugtungan.”

O di ba, reading between the lines ay parang may kasalang magaganap kina Alden at Maine at abangan ito sa mga darating na araw.

Samantala araw-araw ay mapapanood pa rin sa Bulaga si Alden na nasa studio at si Maine na kasamang sumusugod nina Jose, Wally at Paolo plus Jimmy Santos and Anjo Yllana na sumusugod sa iba’t ibang barangay sa Metro para sa Juan For All, All For Juan!

SYLVIA SANCHEZ AT NONIE BUENCAMINO

MULING NAGKAHARAP SA “THE GREATEST LOVE”

DAHIL sa ini-emote na lote na gustong bilihin at tawaran ni Gloria (Sylvia Sanchez) sa kanyang dating mister na si Pedro Alcantara (Nonie Buencamino) na ngayon ay mayaman na at nagmamay-ari ng Nuevo Rio Constructions, nagkasagutan at nagkasumbatan ang dalawa sa muli nilang pagkikita sa “The Greatest Love.”

Sinabihan kasi ni Pedro si Gloria na pineperahan lang daw siya nito na agad naman siyang sinagot na wala siyang karapatan na pagsalitaan siya nang ganoon dahil matagal siyang nagtiis.

Hindi rin napigilan ni Gloria ang sarili na ipaalam kay Pedro ang katotohanan na anak nila si Lizelle (Andi Eigenmann), ang babaeng nagpunta sa kanyang opisina na kanyang binalewala dahil sa pag-aakalang kukuwartahan lang din siya. ‘Yun pala, totoo ang sinasabi sa kanya ni Lizelle na kinumpirma nga ng Ina nito.

By the way, sa ganda at makatotohanang storya ng drama series na “The Greatest Love” na nakasentro sa buhay ng isang Nanay na kahit dinapuan ng Alzheimer disease ay kapakanan pa rin ng mga anak ang iniisip.

Minahal at niyakap si Gloria ng TV viewers at patunay rito ang mataas nilang ratings araw-araw sa Kantar Media: National TV Ratings na sa kasalukuyan ay 15.5% mas mataas nang ilang puntos sa katapat na show.

Ang mga house director ng ABS-CBN na sina Jeffrey Jeturian, Mervyn Brondial at Dado Lumibao ang directors ng TGL sa panulat ni Ricky Lee at inyong mapapanood weekdays pagkatapos ng no.1 melodrama series ni Julia Montes na Doble Kara sa Kapamilya Gold.

Abangan pala ang bagong ipinapartner kay Joshua Garcia na si Kira Balenger na talent din ng Star Magic.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *