Thursday , September 23 2021

Dulce, Lifetime Achievement Awardee sa PMPC’s Star Awards for Music

 

Bigla kong naalala si Dulce. ‘Di ba, noong panahong nangangailangan ng tulong pinansiyal ang kapwa Visayan singer niyang si Susan Fuentes ay gumawa ng paraan ito para dugtungan ang buhay ni Susan? Si Susan ang nagpasikat ng mga awiting Usahay, Miss Kita Kung Christmas, at kung ano-ano pa.

In fact, gumawa pa siya ng fund-raising concert na ang lahat ng kinita ay ginamit sa pagpapa-ospital ni Susan.

Sana ay may mga taong katulad ni Dulce (o si Dulce mismo) para magsagawa ng fund-raising para kay Mystica.

Hanggang ngayon ay ‘di ko malilimutan ang ginawang tulong ni Dulce. Naging instrumento rin si Dulce para makita ang mga anak ni Susan na nawalay sa kanya ng mahabang panahon.

Siyanga pala, gagawaran si Dulce ng Lifetime Achievement Award ng 8th PMPC Star Awards for Music sa October 23 sa Novotel.
MAKATAS – Tinny Basil

About Timmy Basil

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *