Friday , March 29 2024

Inokray si Mystica!

NAKATATAWA naman ang entertainment writer na feeling niya’y siya ang reyna, K-less naman. Hahahahahahahahaha!

Just because you’re writing for a well circulated tabloid, doesn’t give you the right to put somebody down.

Specially at this point when she is most vulnerable and hurting.

Imagine, nagtutuwad at super emote na raw si Mystica but to no avail. Tipong wala raw pumapansin sa kanya and people in the biz are laughing at her and mocking her and not taking her seriously.

Buhkittttt? Hahahahahahahahahahaha!

Wala ka bang awa? Don’t you have pity in your soul.

Akala mo ba kay Mystica ay isang laruan na hindi nararapat seryosohin?

At wala ‘ka mong naniniwala sa kanya?

Well, napanood mo ba ang kanyang tour de force performance sa Front Row ng Channel 7?

‘Day, she was able to get a 2.7% rating considering that the show was on a graveyard shift. Halos past twelve na nang umere and yet, maganda ang rating na kanyang nakuha.

That is because a lot of people have emphatized with her sad plight, darling.

Ikaw lang naman ang walang puso, atay at balon-balunan.

All you care about is your men that you would fellate con mucho gusto, and nothing else!

Ano’ng walang naniniwala kay Mystica? Marami po, ano? And these people are contributing to the beleaguered singer/actress.

Right now, lomodic chakah, she is being deluged with contributions and donations from people who are actually touched with her exceedingly humane confession.

Hindi kayo nagkakalayo ni Bubonika, the ngetpalites chakah, kung pagiging judgmental ang pag-uusapan.

Yosi-kadiri!

Yuck!

Honestly, you guys make me want to puke with your sheer uncouth and cavalier ways!

Kasukah!

Wala kayong habag sa inyong kapwa. Alam ninyong down and out na ‘yung tao pero idina-down ninyo at pinagtatawanan gayong ang mga mukha ninyo ang nakatatawa at untakable talaga.

Kadiri!

Ikaw Bubonika ang dapat ay sunugin ang kaluluwa mo sa impiyerno.

All you care about is amassing wealth from your filthy rich clientele.

Kapag mahirap, nakataas ang kilay mo at deadma, hinayupak na matanda!

Pero kung rich, ngiting aso ka. Hahahahahahahahahahahahaha!

Sana’y ma-experience rin ninyo ang naranasan ni Mystica para maramdaman ninyo ang kanyang nararamdaman, chakang matanda!

Babu!

JOYCE CHING, HANDA NANG

HARAPIN ANG MATURE ROLES

Ready na talagang mag-level up ang Kapuso teen actress na si Joyce Ching sa pag-arte.

Balita kasi namin super mature na ang role na gagampanan niya sa newest Kapuso Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahatwherein makakasama niyang muli si Kristoffer Martin.

Magiging young mom kasi si Joyce sa serye kaya very challenging din for her ang role niya rito.

In fact, may nakapagsabi pa sa amin na she’s going to wear a two piece swimsuit sa nasabing show. Ikinuwento pa nga ni Joyce na noong una, mixed feelings ang naramdaman niya sa pagtanggap sa kanyang character.

“Noong una po, nagkaroon lang ako ng fear kasi ayokong maging peke ‘yung dating. Kasi siyempre hindi pa ako nabubuntis so hindi ko alam ‘yung feeling. May dilemma ako na ‘ah, baka buntis ako.’ Dun lang po ako nagkaroon ng fear kasi gusto ko natural lang kapag ginawa namin ‘yung mga ganoong eksena. And ‘yun nga po, swimmer ako rito and since rebel nga po ako rito—pasaway ako—so habang naka-one piece lahat ng teammates ko, ako nag-to-two piece,” share ng Kapuso teen actress with amusement written on her comely face.

Mukhang kaabang-abang talaga ang upcoming show ng GMA dahil bukod kay Kristoffer, makakasama niya rin dito ang ilan sa seasoned actors sa telebisyon tulad nina Snooky Serna, Eula Valdez at ang nag-babalik Kapuso na si Ariel Rivera.

A1 KO SA’YO CAST

MAY SARILING VERSION

NG PPAP SONG

Sa rami ng nagiging viral na kanta ngayon sa internet, sinigurado ng buong cast ng GMA comedy show na A1 Ko Sa’Yo na hindi sila magpapadaig.

With their good vibes na version of the PPAP song, maraming netizens ang naaliw sa entertainment na dinala ng grupo lalo pa’t pinangunahan ito ni Roi Vinzon.

In fact, after a day na ini-upload ito, meron agad 800,000 Facebook views.

A1 KO SA‘YO AT PINULOT

KA LANG SA LUPA STARS,

MAKIKISAYA SA MALOLOS

Hindi talaga papipigil ang GMA shows na A1 Ko Sa‘Yo at Pinulot Ka Lang Sa Lupa na maghatid ng entertainment sa kani-kanilang fans.

This Sunday (October 16) kasi, siguradong katatawanan, kilig at positivity ang maiiwan nina Benjamin Alves, Martin del Rosario, Koreen Medina at Lharbie Policarpio ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa kasama sina Ervic Vijandre, Denise Barbacena, Gee Canlas at Mara Alberto ng A1 Ko Sa’Yo sa Robinson’s Place Malolos para sa kanilang mall show simula 5PM.

MARAMI ANG NAKIKISIMPATYA KAY AGOT!

Marami ang hanga sa bravura number ni Agot Isidro. Imagine nga naman, hindi siya natakot na banggain ang presidente ng ating bansa na si Pres. Rodrigo Duterte.

Sa ngayon, marami na rin ang vocal sa pagsang-ayon sa kanya. Isa na rito ang premyadong aktres na si Cherry Pie Picache.

“I’m one with Agot,” says Cherry Pie with utmost bravura. “We’re artists but we do have our own minds, conviction and principle.”

Very, very true!

IYA VILLANIA MAY TIP

ON HOW TO BEAT THE TRAFFIC

Dahil inis sa traffic at alam na hinihintay na siya ng kanilang panganay na si Primo, bumalik si Kapuso host Iya Villania sa biking.

Ayon sa kanya, ito raw ang best way para makaalis sa traffic.

In fact, isang video sa kanyang Instagram account ang nagpatunay nito dahil isang kaibigan niya ang nakakita sa kanya on her way home at kinuhaan siya ng video.

“Nice to be able to bike commute again since being pregnant and giving birth! The best way to beat the traffic! And there’s just no time to waste when you have a hungry baby boy waiting for you back home. Nakatatawa lang na walang traffic today when I went to the gym. #BikeCommute #IwasTraffic #WarmUp #BawasPollution Ps. Thanks for catching this @hannah_olives and for not running over me,” sabi ni Iya sa kanyang caption.

RHIAN RAMOS NAGPAKA-KENKOY

Inilabas ni Rhian Ramos ang pagka-kenkoy niya kamakailan. Gigil na gigil kasi siya sa isang tasa ng kape na may latte art na pusa. Hindi tuloy napigilan ni Rhian na inumin ito na parang isang pusa. Aliw na aliw naman ang fans at followers ni Rhian sa kanyang mga nakatatawang posts, lalo na ngayong pabigat nang pabigat ang mga eksena ng aktres sa kanyang daily teleseryeng Sinungaling Mong Puso na kahanga-hanga talaga ang acting niya.

Speaking of her show, kaabang-abang rin ang next episodes dahil hindi na nagpapaapekto ang karakter ni Rhian na si Clara sa mga pananakot na ginagawa ni Roman na ginagampanan naman ni Rafael Rosell. Sa huling dalawang linggo ng Afternoon Prime series na ito, paano kaya malalampasan ni Clara ang lahat ng mga pagsubok?

Nakai-excite talaga kaya dapat nating abangan.

ARA MINA NAG-REUNION

WITH HER BUBBLE GANG STARS

Kahit kami ay natuwa nang muling nakasama ni Ara Mina ang dati niyang katrabaho sa award-winning gag show na Bubble Gang.

Ayon sa aktres, bumisita siya sa taping ng programa after ng kanyang commitment sa pinakabago niyang soap sa Kapuso Network na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Sa kanyang Instagram posts, masayang sinabi ni Ara na nakagagaan daw sa pakiramdam na nakita niya ang kanyang dating mga katrabaho.

Aniya, “After my pictorial last monday. Bumisita ako sa set ng Bubble Gang. So good to see you guys @boy2quizon_ @sefcadayona”

Hindi rin pinalampas ni Ara na maka-bonding sina Michael V at Antonio Aquitania. Sinabi rin niya na excited na siya para sa 21st anniversary show ng gag show.

“At syempre na-surprise rin sila @michaelbitoy at @antonioaquitania sa pagbisita ko bilang 10 years ko din silang nakasama sa Bubble Gang. Malapit na ulit mag-anniversary ang show…wow can’t wait for the reunion and get together of our Bubble Gang 2k batch. See you soon guys. #AraMina”

BACK TO BACK – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *