Saturday , April 20 2024

Dinukot na PUP student nasagip

NAGA CITY – Labis na takot at pangamba ang nararamdaman ng isang 17-anyos estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) makaraan makidnap at makarating sa Lungsod ng Naga.

Ayon sa dalagita, pauwi na sana siya galing sa naturang unibersidad pasado 11:00 am kamakalawa nang bigla siyang harangin ng apat kalalakihan at puwersahang ipinasok sa isang van.

Ayon sa biktima, tinakpan ng panyo ang kanyang ilong hanggang mawalan siya ng malay.

Nang magising, nasa harap na siya ng isang mall sa lungsod at nawawala na ang kanyang pera na aabot sa P4,000.

Aniya, wala siyang ibang maalala maliban sa sinabi ng isa sa mga suspek na siya ang sisingilin sa hindi pa malamang dahilan.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang grupo sa likod ng naturang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *