Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 2 holdaper, pusher todas sa shootout

2 holdaper, pusher todas sa shootout

DALAWANG hinihinalang holdaper at isang drug pusher ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na operasyon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay QCPD District Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, napatay ang dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS-4) sa pangunguna ni Sr. Insp. Romulo P. Terrado  sa Austria St., Brgy. Nova Proper, Novaliches, Quezon City.

Samantala, napatay ang hinihinalang drug pusher na si Jesus Jonas alyas Jessie Hudas, 45, ng San Pedro St., Bgry Damayan, Quezon City makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ng Masambong Police Station (PS-2) sa kanto ng Pat Senador St., at West Riverside, Brgy. Del Monte ng nasabing lungsod.

( ALMAR DANGUILAN )

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top