

NAGBIGAY ng mensahe ng pasasalamat ang kilala at premyadong aktres na si Ms. Elizabeth Oropesa sa iba pang alagad ng sining sa disiplina ng pagpipinta na sina Nante Carandang, Fred Agunoy, Jose Armin Virata, Rolly Alcantara, Jun Tayao, Venerando Cenizal, Arnel Danga sa kanilang kauna-unahang pagtatanghal sa pamamagitan ng “A Group Art Exibit” sa Adamson University Art Gallery, Ermita, Maynila. Bukod sa pagiging aktres, si Ms. Oropesa ay kilalang painter na may espesyalidad sa finger painting, scuba diver and underwater photographer at isang doktor na may masteral degree at Ph.D. sa alternative medicine. ( BONG SON )
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com