Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 5 Pinoy patay sa Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia

5 Pinoy patay sa Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia

100516_front

LIMANG mga Filipino pilgrims ang namatay sa Saudi Arabia.

Batay sa Philippine Consulate sa Jeddah, ang nasabing pilgrims ay tumungo ng Saudi para sa Hajj pilgrimage.

Sinabi ni Consul General Imelda Panolong, apat sa mga namatay ay lalaki habang isa ang babae.

Ang isa sa kanila ay na-diagnosed na mayroong AH1N1 influenza na posibleng nakuha sa ospital.

Ang nasabing pilgrims ay kasama sa halos 7,000 Filipino na tumungo ng Saudi Arabia para sa Hajj pilgrimage ngayong taon.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top