Friday , April 19 2024

Kuwentong OFW sa MMK, umani ng papuri

HAYO nang hayo! Ito ang patuloy na ginagampanan ni Ms. Charo Santos Concio sa kanyang paglilibot sa iba’t ibang panig ng mundo bilang Ambassadress na rin ng programang  MMK (Maalaala Mo Kaya) para sa mga regional at international na kuwentuhang Kapamilya sa mga kuwento ng buhay ng ating mga kababayan.

Kaya naman tuwing Sabado ng gabi, nakaabang ang mga manonood sa mga nakaaantig sa pusong kuwento nating lahat!

Kailan lang, matapos ang pananagumpay ng kanyang pelikulang idinirehe ni Lav Diaz nang magkamit ito ng parangal sa Venice International Film Festival, humayo naman ito sa Toronto, Canada para sa  #TFCKwentuhangKapamilyasaToronto.

Aminado si Tita Charing na hindi mabilang sa daliri ang magagandang kuwentong naibabahagi sa kanya ng ating mga kababayan. Kaya naman ang kuwento ng isang OFW noong nakaraang Sabado na tinampukan ni Aiko Melendez ay umani ng katakot-takot na papuri dahil marami ang sumasalamin sa ikot ng buhay nito at ng kanyang pamilya.

Sa darating na Sabado pinaghahandaan na ang paghahain ng kuwento ng buhay ng ating silver medalist na si Hidylin Diaz sa Rio Olympics 2016na gagampanan ni Jane Oineza.

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *