Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tambalang Alex Gonzaga at Marco Joseph bibida na sa “My Rebound Girl” ng Regal Entertainment (Pagkatapos mag-hit sa Pure Love)
Tambalang Alex Gonzaga at Marco Joseph bibida na sa “My Rebound  Girl” ng Regal Entertainment (Pagkatapos mag-hit sa Pure Love)

Tambalang Alex Gonzaga at Marco Joseph bibida na sa “My Rebound Girl” ng Regal Entertainment (Pagkatapos mag-hit sa Pure Love)

TAON 2014 nang gawin nina Alex Gonzaga at Joseph Marco ang Pinoy TV adaptation ng popular na Koreanovela na Pure Love sa ABS-CBN at namayagpag sa ratings.

Ngayon ay balik-tambalan sina Alex at Joseph sa “My Rebound Girl” na produced ng Regal Entertainment, Inc., ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde.

At malaki ang tiwala ng regal matriarch kina Alex at Marco dahil umaapaw ang chemistry ng dalawa sa big screen. Labis-labis ang pasasalamat ng dalawa kay Mother na nagbigay sa kanila ng pagkakataon na matupad ang pangarap na maging bida sa pelikula na ayon kay Alex ay 9 years siyang nag-antay para magkaroon ng launching movie at 6 years naman nagtiyaga ang kaparehang hunk actor na nagpapasalamat sa oportunidad na ipinagkaloob sa kanya ng Regal.

“It’s a wonderful oppurtunity na mabigyan ng ganito kagandang project at grabe ang suporta nila sa amin ni Alex.”

Kuwento ni Alex, “Nang sabihin nila sa akin, na si Joseph ang makakapareha ko ay umokey agad ako. Ngayon lang nagsi-sink in sa akin na lead role ang gagampanan ko at ni Joseph. Antagal ko kasing nag-antay na mabigyan ng project na ganito kaya thankful ako kay Mother Lily at naisip nila ako ni Roselle. At siyempre gusto ko rin magpasalamat sa director namin sa movie na si direk Emman.”

Kung may pressure ba sa mga nabanggit na bida ang pelikula nilang ito? Ayon kay Alex, confident naman daw sila ni Joseph sa ginawa nila sa movie at mag-e-enjoy raw ang mga manononood. Sa tanong na may pagkakaiba ba ang trabaho sa telebisyon at pelikula, “Malaki ang difference, doing a film is masyadong mabusisi. Every scene ay pinaghihirapan namin. Regarding Alex, mas comfortable kami at gumanda siya. Actually hindi lang nila nage-gets ang ugali ni Alex basta kami okey,” tugon ni Joseph.

Sakay naman daw ni Alex ang ugali ng kalabtim, “Si Joseph laging nang-aasar, kapag medyo mahirap ang eksena ay siya ‘yung nagti-trip. Pero kapag ngumiti na siya, nawawala na ‘yung inis, at nakikisama siya, gentleman siya. May eksena kami sa bundok kung saan nangati kami, to the rescue agad siya sa akin at ako ang inuna niyang bigyan ng tubig at sabon bago ang sarili niya. Tinitiis niya ang lahat sa akin kaya hanga ako sa kanya.”

Pagdating naman sa ligawan blues, wala pa raw ligawang nangyayari pero masaya ang bawat isa sa company nila at ibinida ni Alex sa kanilang grand presscon na ginanap sa Valencia Events Place na niregalohan siya ng bracelet ni Joseph.

Wow ha, hindi lang pala umaapaw ang chemistry ng SephLex loveteam kundi may hatid rin na kilig. Mapapanood na sa cinemas nationwide ang My Rebound Girl simula ngayong September 28.

May special participation pala si Luis Manzano sa movie na in real life ay bestfriend ni Alex.

Kauna-unahang interactive rom-com series

MIGUEL AT BIANCA BIBIDA SA PILOT EPISODE NA “DREAM DATE”

Usapang Real Love (URL) mapapanood na sa GMA Network sa September 25

Patuloy ang GMA Network sa pagbibigay ng mga bagong programa para sa kanilang loyal Kapuso viewers. Simula ngayong Setyembre 25, mapapanood na sa Kapuso Network ang first-ever interactive rom-com series na Usapang Real Love (URL).

Ang URL ay isang extraordinary mini-series na pinagtatagpo ang social media at romantic comedies sa isang game-changing TV endeavour. Itatampok sa programang ito ang mga kakaibang kuwento ng pag-ibig na pagbibidahan ng iba’t ibang Kapuso love teams na ang bawat istorya ay ipapalabas sa apat na weekly episodes.

Iniimbitahan ng URL ang netizens na abangan ang video challenges na ipo-post sa kanilang Facebook page na UsapangRealLove.

Para maipadala ang kanilang video entry, maaaring i-message sa Facebook, i-tweet o i-post ang video sa Twitter o Instagram at i-tag ang @UsapangRealLove at lagyan ng hashtag na #MagpaFANSin.

Ang mapipiling video entry ay isasama sa episode at mapapanood sa TV. Tampok sa unang istorya nito na pinamagatang “Dream Date” ang Kapuso teen stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa isang love triangle kasama si Jak Roberto. Makakasama nila sa episode na ito ang veteran actors na sina Yayo Agila, Lloyd Samartino, Jade Lopez, Ces Quesada, at Gene Padilla. Ang episode na ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Real Florido.

Samantala, tampok sa ikalawang istorya ng URL ang first team up nina Andre Paras at Mikee Quintos sa isang exciting na kuwento ng pagkakaibigan at pagmamahal sa “Perfect Fit.” Makakasama naman nila rito sina William Lorenzo, Mickey Ferriols, Arra San Agustin, Jay Arcilla, Vince Gamad, at Bern Josep “Bekimon” Persia.

Abangan ang mga nakakikilig na kuwento sa Usapang Real Love tuwing Linggo, simula Setyembre 25, 4:45 ng hapon pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA. Alamin ang latest updates tungkol sa Usapang Real Love mula sa official website ng GMA Network www.gma- network.com at official Facebook page na www.facebook.com/GMANetwork.

MAINE AT ALDEN MAY REGALO SA DALAWANG

GOOD SAMARITAN  NA LUMPIA AT TAHO VENDORS

Binalikan ni Maine Mendoza ang mga tindero ng lumpia at taho na may mabubuting kalooban.

Kuwento ni Maine, ang dalawa ang pumansin sa kanya sa Baywalk at Baclaran nang tanggapin niya ang hamon sa Challenge Accepted na bagong segment sa Eat Bulaga at mag-disguise na Taong Grasa.

Base sa kuwento ng sikat na TV host actress at product endorser, karamihan ay hindi siya pinansin pero ‘yung dalawang Good Samaritan ay binigyan

siya ng lumpia at taho at hindi tumanggap ng bayad sa kanya. Bilang pasasalamat ni Maine sa dalawa ay binigyan nila ni Alden ng grocery items at cash sa Broadway Studio ng Eat Bulaga.

Ang sarap ng ngiti ng mga nakatanggap sa biyayang ipinagkaloob sa kanila ng AlDub noong araw na iyon.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top