Thursday , April 25 2024

97 pulis positibo sa droga (8 sinibak sa extortion vs drug pushers) — PNP

UMAKYAT na sa 97 pulis at non-uniformed personnel ang nagpositibo sa isinasagawang random drug testing ng PNP.

Ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Dionardo Carlos, sa nabanggit na bilang, 91 dito ang PNP personnel habang anim ang Non-uniformed Personnel (NUP).

Sa pinakahuling datos mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 16, umabot sa 135,393 personnel ang sumailalim sa random drug test ng PNP.

Kaugnay nito, isasailalim ang 97 sa confirmatory drug testing para matiyak na gumagamit sila ng ilegal na droga.

Kasunod nito, isasailalim sa dismissal proceeding  ang mga pulis na magpopositibo sa confirmatory test.

8 PULIS SINIBAK SA EXTORTION VS DRUG PUSHERS

SINIBAK sa puwesto ang walong pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office-Regional Anti-Illegal Drugs (NCRPO-RAID) kasunod nang pagkakadakip sa entrapment operation ng kanilang kasamahan sa kasong extortion sa nahuling mga drug pusher sa Caloocan City kamakailan.

Kinompirma ni acting NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde ang pagkasibak sa puwesto nina SPO4 Dalmacio Robillon, PO3s Noel Clarit, Goinel  Lucero; PO2s Franklin Menor, Arie Jade Briones, Marco Canas; PO1s Nelson Villas, at Jowelle Del Rosario, pawang nakatalaga sa NCRPO-RAID.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *