Saturday , April 20 2024

I feel so blessed, naabot niya ang rurok ng kaligayahan ko — Yeng sa Ako si Josephine

HINDI halos makapagsalita si Yeng Constantino nang hingan siya ng reaksiyon matapos niyang mapanood ang press preview ng musical play na Ako Si Josephinena ginampanan ni Via Antonio na ginanap sa PETA Theater noong Martes ng gabi.

Maayos na naitawid ang play at magagaling at malilinaw ang mga boses ng mga nagsiganap, lalo na sina Via, Joaquin Valdes bilang si Chinito, Teetin Villanueva as HeleNa, at siyempre si Jon Santos bilang si Monotomia.

Futuristic ang concept ng show na ginamit ang mga awitin ni Yeng para ilarawan ng Rockstar Princess ang pagmamahal niya sa pamilya, kaibigan, at sa pag-ibig.

Ang gusto kasi ni Master Conductor (kamukha ni KZ Tandingan) na pawang rave music lang ang susulatin nina Chinito at Simon dahil bumabata siya kaya bawal ang love songs dahil nanghihina siya.

Si Monotomia ang inatasan ni Master Conductor na mamahala nito pero hindi siya nagtagumpay dahil nagkaibigan sina Chinito at Josephine kaya sila nakabuo ng love songs.

Hindi lahat ng kantang isinulat ni Yeng ay ginamit sa Ako Si Josephine dahil umabot lang daw ito sa 20.

“Hindi po, mga 20 song lahat po, tapos ‘yung iba cut-cut, at lima o apat ay hindi ako ang nagsulat, pero the rest ay ako na,” pag-amin ni Yeng.

Habang nanonood si Yeng ng show ay maraming nakapuna na bagamat nakangiti ay naluluha naman ang singer/songwriter katabi ang asawang si Victor Asuncion.

Kaya naman pagkatapos ng show ay hiningan ng reaksiyon si Yeng, ”I feel so blessed, grabe sobrang ganda lang, hindi ko alam ‘yung nararamdaman ko, parang itong gabing ito, naabot niya ‘yung rurok ng kaligayahan ko, may iaangat pa rito baka mamatay na ako sa sobrang saya ko talaga. The whole musical tina-try kong huwag umiyak just to see everything, pero hindi ko mapigilan.”

Binati rin ni Yeng si Via at sabi ng huli, ”pag nag-loosen up siya (okay na), ngayon, medyo pababa (kabado).”  Sabi naman ng Pinoy Boyband Superstar judge,”kinakabahan pa kayo niyon?  Sobrang ganda na.”

At ang reaksiyon naman ni Via sa magandang palabas nila, ”ano po, parang nakapanganak na, siyempre po, after 3 weeks of extensive rehearsals, talagang lahat ng collaboration ng lahat ng tao, kasi ngayon lang unti-unting nabubuo ‘yung process ng theater but as always, enjoyable po talaga. Parang nakahinga na, start na kami sa September 8 (Huwebes),” nakangiti pero halatang kabadong kuwento ni Via.

At sa tanong ng ABS-CBN news kung ano ang pakiramdam ni Via na siya pala ang special request ni Yeng para gumanap na Josephine, ”Matagal ko na pong (hiling), I treated as an answered prayer, big favor from God na thru her (Yeng) at mabuti na lang nag-audition ako that day at na-meet ko siya (Yeng) na talagang ‘yung journey na ‘yun at idea na ‘yun ay nanggaling kay Ms Yeng kasi I think iba ‘yung peg na hinahanap for Josephine and she saw something na siya’ yan, eh,” say ng theater actress.

Say naman ni Yeng, ”noong nakita ko siya, sabi ko, ‘hindi ako nagkamali, kumikinang siya on stage na it’s about Josephine. Ako si Josephine, sobrang lutang siya, sobrang charming, everything about Josephine. Noong nabasa ko ‘yung script, talagang nabigyan mo ng buhay, ang galeeng. I’m a fan!”

Mapapanood na ang Ako si Josephine: The Musical na nagsimula noong September 8 at magtatagal hanggang October 9 (Thursdays to Sundays) handog ng Cornerstone Music.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *