Thursday , August 5 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Malacañang reporters ‘kinoryente’ ng EIC ng PND

Malacañang reporters ‘kinoryente’ ng EIC ng PND

090916_front

INIIMBESTIGAHAN ng Palasyo ang acting editor-in-chief ng Presidential News Desk (PND) dahil sa isinulat na ‘koryenteng’ press release kaugnay sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa Laos.

Nabatid sa tanggapan ni Communications Undersecretary Atty. Enrique Tandan III, pinagpapaliwanag si acting editor-in-chief Liza Ago-ot bunsod sa ginawa ni-yang kalatas kamakalawa na magiging magkatabi sa upuan sa ASEAN gala dinner sina US President Barack Obama, Pangulong Rodrigo Duterte at United Nations (UN) Secretary Ban Ki Moon.

Ngunit sa aktuwal na gala dinner, ang magkakatabi sa upuan ay sina Russian Prime Minister Dmitry Medvedev, Duterte at Indonesian President Joko Widodo.

“Presidents Duterte and Obama will be seated next to each other, which expectedly, will focus all cameras on them to deliver to the world the encounter of the two. Incidentally, United Nations (UN) Secretary General Ban Ki Moon is also seated on the other side of President Duterte,” sabi sa kalatas ng Palasyo noong Setyembre 7 na isinulat ni Ago-ot.

Walang inilabas na ibang kalatas ang Palasyo upang ituwid ang maling press release na naka-dateline pa sa Vientiane, Laos.

Si Ago-ot ay kabilang sa Philippine delegation na kasama ni Duterte na dumalo sa ASEAN Summit .

Matatandaan, naging kontrobersiyal ang mga pahayag ni Duterte sa pagbatikos sa US at Uni-ted Nations sa lumolobong extrajudicial killings sa bansa dahil sa inilunsad na drug war ng kanyang administrasyon.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top