Tuesday , April 16 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Solaire valet parking burara ba sa seguridad!?

IBANG klase raw pala ang valet parking sa Solaire.

‘Yan po ang reklamong kumakalat sa social media  mula sa isang customer na napasyal sa nasabing casino & hotel establishment.

Supposedly, sabi ng biktima, it was a happy day. Kasi nga may surprise gift sana sa kanya ang kanyang partner sa kanilang anniversary.

Pero ang saklap, kasi saglit na saglit lang nawala agad ‘yung Diamond ring.

Diyan pala sa Solaire, Diamond is forever — forever na mawawala sa inyong pagreregalohan!?

Hindi raw ‘yan ang first time — dati ang nawala sa kanila ay necklace. Hindi nila ito masyadong pinansin dahil inisip nila naiwaglit sa kung saan at eventually ay makikita rin.

Pero nang mawala na nga ang supposedly ay surprise gift sa kanya, saka nila binalikan ang pagkawala ng nasabing necklace at noon nila napagtanto na roon din nawala sa valet parking ng Solaire.

Nagkamali kasi siyang hindi ma-check ang mga iniiwan niya sa sasakyan at ngayon ay kanyang pinagsisisihan.

090616 Solaire

Iniwan lang sandali sa pinakatagong lugar sa loob ng kotse para i-surprise sa kanya, pero naglahong parang bula sa Solaire valet parking.

Wattafak!?

Ang nakapagtataka raw talaga rito, parang nabubuksan ang kotse at nahahalungkat nang hindi nahahalata ng may-ari.

Itong pagkawala ng Diamond ring, tipong epic fail pa nga, kasi iniwan ‘yung ring box.

Siyempre kapag nagreklamo ang may-ari, isa lang ang sasabihin ng management — “Huwag po kayong mag-iwan ng valuables sa kotse ninyo, dahil hindi namin pananagutan ‘yan.”

Juice Colored!

So ang moral lesson po para sa lahat na pupunta diyan sa Solaire casino, huwag na huwag mag-iiwan ng kahit na anong valuables sa inyong kotse dahil baka madale kayo riyan sa Solaire valet parking?!

Isa lang ang wish ng mga nanakawan o nawawalan diyan sa Solaire valet parking — MAKARMA sana kayo!

PASAY CITY POLICE OIC S/SUPT. NOLASCO BATHAN
MAY GO SIGNAL SA LOTTENG BOOKIES?

073016 pasay police pnp

Marami ang nagtataka riyan sa Pasay City kung bakit imbes mapigilan ‘e parang ‘yumayabong’ ang  lotteng bookies sa nasabing lungsod.

Itinatanong nila kung totoo bang may go signal na ba si Pasay City officer-in-charge (OIC) S/Supt. Nolasco Bathan sa mga 1602 na ‘yan?!

At ‘yan daw ang madalas na bukambibig ng mga lotteng operator na sina alias Boy, alias Jose, Totoy alias Barurot, at Abby ng Casino, Makati City.

‘E bakit naman mag-go-go signal si Kernel Bathan, ang mga illegal gambling operator na ba ang bagong boss ni hepe?

Araykupo!

Hindi naman pwedeng basta na lang mag-operate ‘yang mga 1602 operator kung walang basbas sa local police ‘di ba?

Paki-klaro lang Kernel Bathan!

Alam mo naman na ayaw na ayaw ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa nang ganyan!

TANONG KAY DE LIMA

Kung talagang walang alam c De Lima ba-kit ‘di nasugpo ang kabulukan sa Bilibid noong nasa DOJ pa siya? Bakit ‘di n’ya nalaman n may lutuan ng shabu doon at buhay hari ang mga drug lord? Cge isip-isip, ibig sabihin lng niyan naging bulag cia at nagbingi-bingihan? Ipaliwanag niya sa buong bansa.

+63942554 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *