Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Pagbisita ni Digong Kay GMA kinansela (Sa Pampanga)
Pagbisita ni Digong  Kay GMA kinansela  (Sa Pampanga)

Pagbisita ni Digong Kay GMA kinansela (Sa Pampanga)

BUNSOD nang masamang panahon, kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbisita kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kahapon.

Inianunsiyo ni Marciano Paynor, hepe ng Presidential Protocol Office, ang kanselasyon nang pagbisita ng pangulo.

Nauna rito, inimbitahan ni Arroyo si Pangulong Duterte para makisaya sa kanila sa pista ng St. Augustine na siyang patron saint ng Lubao, Pampanga.

Sinabi ni Paynor, gumawa ng dalawang roving flights ang mga piloto ngunit zero visibility at malakas ang buhos ng ulan.

Batay sa ‘assessment’ ng mga piloto, hindi makalalapag ang helicopter sa lugar.

Inihayag ni Paynor, nagpadala ng text message ang pangulo kay Arroyo at tiniyak na bibisita sa kanya sa susunod na mga araw.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top