Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, mas mahalaga ang magiging pamilya kaysa career
Angel,  mas mahalaga  ang magiging pamilya  kaysa career

Angel, mas mahalaga ang magiging pamilya kaysa career

BABALIK pa pala si Angel Locsin sa Singapore sa susunod na buwan para mai-check kung ok ba talaga ang pagkaka-opera sa likod niya at kung masasabi ngang ok na iyon, makababalik na siya sa rati niyang aktibong pamumuhay at career.

Ganoon pa man, sinasabi niyang pinag-iisipan pa niya kung gagawa siyang muli ng mga action roles dahil bagamat mahalaga para sa kanya ang kanyang career, mas mahalaga naman daw sa kanya ang kanyang kalusugan, ang kalagayan ng kanyang katawan. Kasi ang sinasabi niyang dahilan, pagdating ng araw ay gusto niyang magkaroon ng anak, at ayaw niyang mahirapan naman siya pagdating ng panahong iyon.

Matalino talaga si Angel. Mahalaga ang career pero mas mahalaga nga naman ang magiging pamilya niya pagdating ng araw. Iyong career natatapos. Iyong pamilya kasama mo habampanahon.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top