Thursday , May 9 2024

Durugin ang Sayyaf at ibang rebelde

NAPUNO na si Pres. Rodrigo Duterte kaya iniutos sa mga pulis at militar na durugin ang damuho, walanghiya at walang awang grupo ng mga bandido at terorista na Abu Sayyaf.

Ito ay matapos maiulat na natagpuan ang ulo ng isang 18-anyos na bihag ng Sayyaf matapos mabigo ang pamilya na ibigay ang P1 milyong ransom na hiningi nila.

Ayon sa Pangulo, pinatutugis niya ang lahat ng kalaban ng estado para durugin. Hindi lang daw ito nakatuon sa Sayyaf kundi pati na sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Ang panalangin ng marami ay lahat-lahatin sana ni Duterte ang nasakop ng naturang utos upang tuluyang mabura sa bansa ang lahat ng klase ng hinayupak na rebelde na namemerhuwisyo sa ating mga mamamayan sa mga lalawigan.

Ang iba riyan ay nagkukunwari lang sa pakikipagkaibigan sa gobyerno para sa personal nilang interes. Kapag nakuha na nila ang kanilang gusto ay magpapatuloy pa rin ang kanilang kawalanghiyaan at pagmamalupit.

Sa totoo lang, mga mare at pare ko, dalang-dala na ang mga mamamayan sa pamemeste na dulot ng lahat ng mga damuhong rebelde kaya dapat na itong matuldukan.

Manmanan!

Problema ni De Lima lumalala

NAGLABAS si Duterte noong Huwebes ng “drug matrix” na nagdadawit kay Sen. Leile De Lima sa mga drug lord sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Lumalabas sa matrix na sabit si De Lima sa problema sa droga sa Bilibid at may ilang personalidad na taong-gobyerno rin, kasama sa matrix at sa sabwatan sa ilegal na droga.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na may bagong boyfriend si De Lima na nagngangalang

“Warren.” Ito raw iyong naka-motorsiklo na escort ng senadora.

Ang dating driver umano ni De Lima na si Ronnie Dayan ay sangkot daw sa ilegal na droga. Dati rin daw boyfriend ng senadora. Hindi raw mapigilan ni De Lima ang kanyang imoralidad at ito ang nagtulak para makagawa siya ng ilang paglabag sa batas.

Totoo rin umano ang sinasabing sex video ng senadora. Hindi raw ito na-photoshop lamang. Sinadya raw ito ng lalaki at pumayag naman ang babae.

Paulit-ulit na itinanggi ni De Lima ang mga akusasyon ni Duterte. Wala raw siyang bagong boyfriend at hindi sangkot sa ilegal na droga. Inamin naman niya na naging malapit siya sa dati niyang driver pero hayaan na raw ang personal niyang buhay.

Naniniwala si Duterte na wasak na si De Lima nang dahil sa kanyang mga ibinunyag.

Dumating man ang susunod na halalan ay wala na raw aasahan ang senadora dahil durog na ang kanyang pangalan.

Magawa pa nga kayang makabangon ni De Lima sa pagkakalugmok, mga mare at pare ko, sa kabila ng kaliwa’t kanan at walang pahingang birada ni Duterte?

Abangan!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Korek na korek Senador Bong Go

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KAMAKAILAN sa Senado, tinalakay ni Senator Bong Go ang …

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Dragon Lady Amor Virata

COS, JO employees hinimok ni PBBM, dapat kumuha  ng Civil Service exams

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAPAKAGANDA ng sinabi ni PBBM na huwag manatiling contractual …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *