Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Michael at Morissette, dream come true na makasama si Arnel
Michael at Morissette, dream come true na makasama si Arnel

Michael at Morissette, dream come true na makasama si Arnel

MATINDI ang pasabog ng Powerhouse concert na prodyus ng Lucky 7 Koi Productions, Inc. na gaganapin sa The Theatre of Solaire Resort & Casino sa October 28, 2016.

Sulit ang ibabayad dahil nagsama-sama  ang mga world class performers na sina Arnel Pineda of The Journey, ang Kilabot ng Kolehiyala na si Michael Pangilinan, The Next Big Div na si Morissette, at ang X Factor UK Finalist na The 4th Impact. Nandiyan din sina Mayumi (Grand Champion JapPinoy Star Quest of ABS-CBN) at T.O.M.S Band.

“Noong nalaman ko na kasama po ako sa concert na ito, siyempre, natuwa ako kahit na alam kong siyempre, family and parang mommies (the producers) ko na silang lahat, pero iba pa rin ‘yung bigyan ka ng chance na kasama si Mr. Arnel Pineda, Morissette, at ang iba pa pong magpe-perform sa concert, siyempre, nakatutuwa kasi isa rin po ako sa may chance makapag-perform sa isang malaking venue like Solaire.And ‘yung gagawin po namin siguro rito, ako ‘yung gagawin ko rito siyempre, may mga new song akong kakantahin,” sambit niya.

Sey naman ni Morissette: “And to be sharing the stage, of course, with the one and only Mr. Arnel Pineda, sobrang nakaka-warm po kasi siyempre, ako po, galing akong Cebu and then, we decided to relocate to Manila to follow my dreams with my very supportive family and dati po, pinapanood at pinakikinggan ko lang po si Sir Arnel at ngayon na makakasama ko na po siya, it’s like a dream pa rin po, so, we’re very excited sa lahat ng production numbers, sa lahat ng performances namin and siyempre, sa buong team, thank you sa tiwala,” pahayag ni Morissette.

Havey ang production na ito dahil hindi problema ang pera sa mga producers ng  Lucky 7 Koi Productions. Bukod tanging nahirapan lang sila ay ang pagkontak sa The 4th Impact dahil  hindi nila alam kung sino ang manager. Pero nang mahanap naman daw nila ito (with the help of Jobert Sucaldito and Emmie Domingo) ay mabilis silang nagbigay ng down payment.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top