Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Robin, ‘di gagayahin si Rommel sa rami ng misis
Robin, ‘di gagayahin si Rommel sa rami ng misis

Robin, ‘di gagayahin si Rommel sa rami ng misis

BRAVO! Robin and Rommel!

Napakasaya ng launching ng bagong dietary supplement for men na ini-endoso ng magkaoatid na Robin at Rommel Padilla, ang Bravo!

Aminado si Robin na nauna ang Kuya Rommel niya na subukan ito at for three days nga raw eh, hindi pa nag-wear off ang epekto nito sa pagiging matikas ng pakiramdam niya.

Kasi nga raw, kagampan ang kanyang misis na si Mariel (Rodriguez) sa isisilang nitong anak na babae sa Nobyembre.

“Kabilin-bilinan po ng doktor na bawal na bawal akong may gawin sa asawa ko. Kaya po ako eh, nakikibalita na lang muna sa Kuya ko. At alam naman ‘yan ng mga Bossing namin sa Kauffmann Pharma Inc.”

Kaya naman tuwang -tuwa ang mga bossing na sina Mr. German Panghulan (president and general manager) at Mr. Gil Caoili (product manager) ng nagpapakilala sa Bravo! dahil game na game ang magkapatid sa pagpapakilala sa nasabing produkto na kinailangan nilang ikuwento ang “performance” nila sa kung tawagin nila eh “agimat” sa puntong ito.

Parehong Muslim ang magkapatid. At hindi naman itinatago ni Rommel na mahigit sa isa ang misis niya. Pero si Robin, “Stick to one lang po ako sa misis kong si Mariel!”

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top