Saturday , April 20 2024

Murang konsultasyon, gamot, edukasyon hatid ng Ayala

PATULOY na namumuhunan ang Ayala Corporation sa  iba’t ibang hanay ng pagnenegosyo upang mapagaan ang buhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang serbisyo para sa konsultasyon, murang gamot at abot-kayang matrikula na may kalidad na edukasyon.

Sa katunayan, ang itinayo na isang community based service sa pamamagitan ng Ayala Health Family Doc Clinic na napakamura ang konsultasyon at murang laboratory habang ang Generika, mayroon 615 sangay sa buong bansa ay malaking tulong sa sa mga Filipino para makabili ng mas murang gamot katulad ng metformin, salbutamol, at  mefenamic acid.

Sa Family Doc, mayroong 35 percent discount sa consultation, 90 percent discount sa minor surgeries at 60 percent discount sa ultrasound services.

Napagalaman, sa  Ayala Education, kabilang sa kurikulum ng Affordable Private Education Center (APEC) schools, ang English Immersion o magsasanay sa mga mag-aaral na maging bihasa sa pagsasalita ng English, technical education, skill trainings at employment. Kung sino ang unang makatatapos ng 90 araw ay makapapasok sa trabaho.

Mababa rin ang ang matrikula sa kanila na umaabot lamang sa P29,000 kung ikomkompara sa ibang private school na ang lahat ng bayarin ay aabot sa apatnapung libong piso.

Nabatid, sa susunod na taon ilalabas ng Ayala Group of Companies ang KTM motorcycle na made in the Philippines sa kauna-unahang pagkakataon na mayroong sasakyang gawa ng Filpinas.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *