Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Problema ni Badjao girl, sosolusyonan ni Kuya
Problema ni Badjao girl, sosolusyonan ni Kuya

Problema ni Badjao girl, sosolusyonan ni Kuya

SA PBB updates na napapanood tuwing hapon, tila nagkaroon ng scare ang mga babaeng housemate sa natuklasan nila—may mga lisa at kuyumad ang Badjao Girl na si Rita. Umiyak din si Rita dahil pinakialaman ng housemates ang kanyang mga gamit.

Gagamutin naman nila ang mga lisa ni Rita pero hindi ito naipalabas kinagabihan sa PBB.

Well, sana matagalan ni Rita ang pag-stay niya sa Bahay Ni Kuya lalo na ngayon na pati kuto niya ay napagdiskitahan ng kapwa housemates. Huwag na lang masamain ni Rita ang ginawa ni Kuya na pagpapagamot at pakikialam ng housemates sa kanya dahil puwedeng mahawaan ang iba pang housemates.

Afterall, kapakanan naman ni Rita ang nakasalalay rito. Pero sana, bago man lang isinalang si Rita sa PBB, tutal hawak naman siya ng Power Casting Management, ginamot na nito ang mga lisa.

Pero ‘di bale, at least nagpapakatotoo si Rita. Galing siya sa isang minority tribe, mahirap na mahirap ang buhay (nanlilimos nga siya ‘di ba?), medyo kulang sa hygiene at ito ang ituturo marahil ni Kuya sa kanya sa tulong ng kapwa housemates.

Huwag siyang ma-intimidate, huwag ma out of place, huwag mahiya at ipagpatuloy ang pagiging masipag sa Bahay ni Kuya.

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top