Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 2 holdaper pumalag sa parak, tigbak

2 holdaper pumalag sa parak, tigbak

081216 holdaper dead

TUMIMBUWANG na walang buhay ang dalawang hinihinalang mga holdaper makaraan makipagbarilan sa sumitang mga tauhan ng MPD Station 8 sa Altura Bridge, Sampaloc, Maynila. (ALEX MENDOZA)

PATAY ang dalawang hindi nakilalang lalaking hinihinalang mga holdaper nang lumaban sa sumitang mga pulis sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Sa imbestigasyon ni Senior Insp. Elias Dematera, commander ng Gulod Police Station ng Manila Police District, dakong 2:00 am nang mamataan nang nagpapatrolyang mga pulis ang mga suspek na tumalon sa center island malapit sa Altura Bridge sa Sampaloc.

Sinita ng mga pulis ang mga suspek ngunit nagbunot ng baril at nagpaputok sa mga awtoridad.

Bunsod nito, gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Naniniwala ang mga pulis na mga holdaper ang mga suspek dahil armado ng mga baril at balisong.

Bukod dito, may narekober ding tatlong plastic sachet ng shabu mula sa mga suspek.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Joana Cruz at Kimbee Yabut )

About Leonard Basilio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top