Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 12-anyos binatilyo patay sa sunog sa Davao City
12-anyos binatilyo patay sa sunog sa Davao City

12-anyos binatilyo patay sa sunog sa Davao City

DAVAO CITY – Patay ang isang 12-anyos binatilyo sa sunog na tumupok sa 15 kabahayan sa Sasa, Davao City kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Julius Castro Gallardo, 12, residente sa Kilometer 10, Cabayugan Uno, Sasa sa lungsod.

Napag-alaman, sa bahay mismo ng biktima nagsimula ang sunog makaraan mapabayaan ng ina na si Myrna Gallardo, ang sinaing.

Kinompirma ng Sasa PNP, umabot sa P1.5 milyon ang danyos sa nasabing sunog kamakalawa ng umaga.

Sinasabing nagsaing si Gng. Gallardo at naiwan ito hanggang lumaki ang apoy sa kusina.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top