Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / KathNiel, LizQuen, Yeng at Anne, nangunguna sa mga nominado sa Push Awards 2016

KathNiel, LizQuen, Yeng at Anne, nangunguna sa mga nominado sa Push Awards 2016

081116 push awards

Donald Lim, Richard Reynante and Domi Espejo at the PUSH Awards 2016 press conference

00 SHOWBIZ ms m“VERY fulfilling ang success,” ito ang nasabi ni Donald Lim, ABS-CBN chief digital officer noong Lunes sa presscon ng PUSH Awards na gaganapin sa Oktubre 5 sa Kia Theater.

Ang tinutukoy na tagumpay ni Lim ay ang Push Awards na ginanap noong isang taon na talaga namang naging matagumpay na ang sikat na tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nanguna sa listahan ng winners. This year, muling magbibigay parangal ang entertainment website na PUSH.com.ph sa mga celebrity at social media personalities na talagang  tinututukan at inaabangan ng fans at netizens sa online world.

Ang Push Awards ang itinuturing na pinakamalaking digital media awards sa bansa.

Para bumoto at makita ang kompletong listahan ng mga nominado, mag-log in lamang sa PushAwards.com at mag-register gamit ang Facebook account. Maaari lamang bumoto isang beses kada araw sa bawat category.

At kung noong isang taon ay walang sports category, this year ay mayroon na dahil kapansin-pansing malaki rin ang influential nila sa publiko.

Iginiit pa naman nina Richard Reynante at Domi Espejo ng Push Awards, na hindi lang para sa mga taga-Kapamilya ang awards nila. “Hindi lang for Kapamilya ito. Very objective kami at ready kami na ipakita ‘yung numbers na lumabas doon sa botohan. Scientifically fair kami sa voting na talagang magdedepende sa fans.”

Gaya rin noong nakaraang taon, ang celebrities na may pinakamalakas na impluwensiya sa Facebook ay nominado bilang PUSH Like Female Celebrity, PUSH Like Male Celebrity, PUSH Like Group/Tandem, PUSH Like Newcomer, at PUSH Like Music Artist.

Bibigyang parangal din ang mga sikat na personalidad na may pinakamaraming bilang ng retweets, mentions, favorites, followers, at mentions sa Twitter bilang PUSH Tweet Female Celebrity, PUSH Tweet Male Celebrity, PUSH Tweet Group/Tandem, PUSH Tweet Newcomer, and PUSH Tweet Music Artist ng taon.

Pasok naman ang mga sikat na Instagram users na may pinakamaraming bilang ng followers na hindi kinalilimutan ang kanilang fans sa kanilang posts sa PUSH Gram Female Celebrity, PUSH Gram Male Celebrity, PUSH Gram Group/Tandem, PUSH Gram Newcomer, at PUSH Gram Music Artist categories.

Kasama rin sa kompetisyon ang YouTube stars na may pinakamaraming hits sa kanilang videos na kikilalanin naman bilang PUSH Play Female Celebrity, PUSH Play Male Celebrity, PUSH Play Group/Tandem, PUSH Play Newcomer, and PUSH Play Music Artist ng taon.

Matapos ang online voting, isang grupo ng mga hurado ang kikilatis at pipili kung sino sa mga nanalong personalidad mula sa botohan ang karapat-dapat na gawaran ng Push Elite Awards at Push Female Celebrity of the Year, Push Male Celebrity of the Year, Push Group/Tandem of the Year, Push Newcomer of the Year, at Push Music Artist of the Year.

Samantala, muling nanguna sa listahan ng mga nominado ang sikat na loveteams na KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) gayundin ang LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) na parehong nominado sa apat na categories—PUSH Like Group/Tandem (Facebook), PUSH Tweet Group/Tandem (Twitter), PUSH Gram Group/Tandem (Instagram), at PUSH Play Group/Tandem (YouTube).

Hindi naman nagpatalo sa pagboto ang fans ni Yeng Constantino na kasalukuyang nangunguna sa nominasyon sa individual categories na PUSH Like, PUSH Tweet, PUSH Gram, PUSH Play Music Artist, at PUSH Play Female.

Nakikipagtunggali naman si Anne Curtis sa apat na PUSH Female categories, samantalang sina James Reid at Vice Ganda ay nominado sa tatlong PUSH Male categories. Nominado rin si Darren Espanto sa isang PUSH Male at PUSH Music Artist categories.

Nangunguna rin sa botohan ang Hashtag member at PBB 737 housemate na si Zeus Collins na nominado sa apat na PUSH Newcomer categories.

Bukod sa pagbibigay parangal sa mga pinakaimpluwensiyal na personalidad sa major Digital Media categories, kaabang-abang din ang iba pang pagkilala sa mga sumusunod na Awesome Awards categories: Popular Celebrity Baby, Popular Celebrity Mommy, Popular Celebrity Daddy, Popular Male Fashion Icon, Popular Female Fashion Icon, Popular Song Cover, Popular Dance Cover, Popular Movie Performance, Popular Sports Personality, Popular LOL Video, Popular TV Performance, at Popular Showbiz Blogger.

At bilang pasasalamat sa matinding pagsuporta ng fans sa kanilang mga iniidolong celebrities, ibinabalik ng PUSH Awards ang PUSH Ultimate Fan Award na igagawad naman sa fans club magpo-post ng pinakamaraming tweets gamit ang hashtag na #PushAwrds.

Itatanghal na panalo ang mga nominadong may pinakamaraming boto sa bawat categories at bibigyan ng espesyal na trophy sa isang malaking event na gaganapin sa Oktubre.

Kaya i-boto na ang inyong mga iniidolong personalidad sa PUSHAwards.com at mag-log in sa PUSH.com.ph upang laging maging updated sa entertainment news, information, at trivia.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top