Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ai Ai delas Alas, pinuri ang galing sa pelikulang Area
Ai Ai delas Alas, pinuri  ang galing sa pelikulang Area

Ai Ai delas Alas, pinuri ang galing sa pelikulang Area

00 Alam mo na NoniePATULOY ang naririnig kong mga papuri para kay Ai Ai delas Alas sa kakaibang husay na ipinamalas nito sa pelikulang Area. Noong una ay sa director nilang si Louie Ignacio, tapos ay sa co-actress naman niyang si Sue Prado ang nagbida sa husay rito ni Ai Ai..

Ngayon naman ay ang lady boss ng BG Productions International na si Ms. Baby Go at award winning actor na si Allen Dizon ang nagpahayag ng papuri kay Ai Ai. Ayon sa dalawa, todo-bigay si Ai Ai sa proyektong ito na kahit ma-deglamorize ay wala siyang paki dahil ang focus niya ay ang mapaganda ang kanilang pelikula.

“Magaling si Ai Ai sa movie naming Area. Iba siya rito, kumbaga ay pinatunayan niyang artista talaga siya.

READ MORE:  Nakalulula si Anne Curtis ngayon!

“Kaya siyempre si Ai Ai, gusto ko ulit gumawa siya ng pelikula sa BG Productions. Kasi ang gaan niyang katrabaho, wala siyang kiyeme at professional talaga. Dito sa Area, talagang nagdrama si Ai Ai, hindi siya komedyante rito. Aktres talaga siya at ang galing niya. Kung ano ang ipagawa sa kanya ni Direk Louie, talagang game siya para sa ikagaganda ng aming pelikula.

“Kaya nga naniniwala ako talaga, hindi ako magugulat kung mananalo si Ai Ai ng award dito. Actually, ngayon pa lang ay may imbitasyon na ang Area para sa dalawang filmfest sa abroad at may tsansa talaga rito si Ai Ai,” saad ni Ms. Baby.

READ MORE:  Hubad na katawan nina James at Nadine, itinambad sa Phi Phi Islands

Saludo rin si Allen sa kakaibang performance sa pelikulang ito ng Kapuso comedienne.

“Wala akong masabi kay Ms. Ai dahil napaka-professional niya, ginawa niya yung Area, nag-pasexy siya, nagpakita siya ng lahat na dapat niyang ipakita. Ang acting niya rito ibang-iba siya, di mo siya makikitang comedian dito, di mo siya makikitang si Ai Ai, ibang-iba.

“Si Hillary (character ni Ai Ai sa pelikula) yung makikita mo rito at hindi si Ai Ai delas Alas na artista. Dito sa Area ay nabura ang pagiging komedyante ni Ai Ai, nag-drama siya rito at ang mapapanood sa kanya rito ay yung Ai Ai na aktres. Kaya sana ay marami itong festivals na mapasukan, sana makapasok sa maraming festivals sa abroad. Of course, sa Pilipinas rin,” wika naman ni Allen.

READ MORE:  Opinion ni Regine kay Duterte, na-bash ng katakot-takot

Ang pelikulang Area ay ukol sa isang lugar sa Angeles City na tinatawag na Area na may mga prostitute sa murang halaga. Gumaganap sina Allen at Ai Ai rito bilang maintainer at bugaw ng mga kasa sa naturang lugar.

Bukod kina Ai Ai, Allen at Sue, ang Area ay tinatampukan din nina Sancho delas Alas, Rajah Montero, Sarah Pagcaliwagan Brakensiek, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved