Thursday , August 5 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ronwaldo Martin unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa indie (Gaya ng utol na si Coco…)
Ronwaldo Martin unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa indie (Gaya ng utol na si Coco…)

Ronwaldo Martin unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa indie (Gaya ng utol na si Coco…)

Sa kanyang first indie film na “Ari” ay nakitaan agad ng potential si Ronwaldo Martin, utol ng sikat na Kapamilya actor na si Coco Martin.

Tulad ni Coco, mahusay rin umarte si Ronwaldo at konting panahon na lang, baka bumulaga na rin ang pangalan ng baguhang aktor sa mainstream movie.

Although ayaw raw muna ni Coco na pasukin ng kanyang utol ang mainstream television, hindi pa rin maiiwasan lalo na kapag may dumating na alok rito.

Ngayon ay all-out ang suporta ni Coco sa bagong indie movie ni Ronwaldo na “Pamilya Ordinaryo” isa sa official entries sa Cinemalaya 2016 at ang pelikula ay naglalarawan ng realidad ng kahirapan ng tao sa lipunan. Pamilyado rito si Ronwaldo at solvent boy.

Para ipakita ang suporta sa kapatid ay personal na pinanood ni Coco ang nasabing pelikula at present din ang business unit head ng Dreamscape Entertainment na si sir Deo Endrinal, manager at nanay-nanayan ni Coco na si sir Biboy Arboleda. Pinagkaguluhan sila ng kapatid sa nasabing event at nagpaunlak pa ang dalawa ng photo off sa fans.

Mahigpit pala ang bilin ni Coco sa kapatid na huwag tumanggap ng offer na magre-require sa kanya na maghubo’t hubad na sinunod naman niya kaya’t hanggang underwear lang siya sa pelikula.

Mabait na utol gyud!

FRANCIS AGLABTIN AT BENEDICT ABOYME PASOK SA ULTIMATE CHAMPIONS NG LOLA’S PLAYLIST SA EAT BULAGA

Masuwerte ang limang young ones na nag-compete noong Sabado sa Lola’s Playlist The Breakdown Round dahil isa sa mga naging judges ay si Jam Morales ang singer-actress na sumikat nang husto ang pangalan noong 80s.

Dalawa sa pumatok na mga awitin noon ni Jam na itinuturing nang classic ang “Even If” at “Smile In Your Heart.”

Sobrang napahanga pala si Jam kasama ng mga co-hurado na sina Hajji Alejandro at Robert Sena sa talento ng mga bata na kayang kumanta ng oldies songs. Authority siyang magsabi nito dahil siya ang voice coach ng ilan sa mga sumali sa American Idol at The Voice.

Sina Francis Aglabtin na kinanta ang popular song ni Matt Monro noong 1977 na “If I Never Sing Another Song” at Benedict Aboyme na inawit ang isa pa sa sumikat na kanta ni Monro noong 1960 na “Portrait Of My Love.”

Abangan ang Grand Finals ng Lola’s Playlist malapit na sa Eat Bulaga.

FREDDIE AGUILAR SA DWIZ ALIW BROADCASTING BIGWIG EDGARD CABANGON MALAKI ANG PAGHANGA SA AMA NG MUSIKA

Kamakailan, kasama ng kaibigang director na si Chris Libroho ay pumirma ng kontrata ang Globally famous at OPM Iconic na si Freddie Aguilar para sa weekend radio program na “Pusong Pinoy.”

Ipinagkaloob ito ng Bigwig ng Aliw Broadcasting Corporation, na si sir Edgard Cabangon, ang humble at very down to earth naming bossing friend na halos lampas na ng isang dekada.

Kasama sa nasabing contract signing si sir Randy Cabangon (brother ni sir Edgard) na may mataas na posisyon sa radio station na itinayo ni late Ambassador Antonio Cabangon-Chua noong early 90s.

Kagabi ay inilunsad ang programa ni Kaka Freddie na “Pusong Pinoy” kasama ang co-host na si Direk Libroho. Regular na mapapakinggan si Freddie ng mga tagahanga sa DWIZ (882 KHZ) tuwing Linggo mula 10:00  hanggang 12:00 ng hatinggabi.

Malaki ang paghanga ni sir Edgard kay Ka Freddie kaya masaya siya dahil bahagi na ng kanilang ALC Group of Companies. Parte rin ng usapan ay regular na magpe-perform ang beteranong singer sa popular na Citystate Tower Hotel ni sir Edgard at siguradong tatauhin ito. Sa ngayon ay inire-renovate na ang kanyang pagtatanghalan.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top