Friday , April 19 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kalsohan si OWWA Chief Rebecca Calzado

MAGKAIBA raw talaga ‘yung magaling sa teorya kaysa praktika.

Gaya nitong si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief, Rebecca Casado ‘este Calzado. Hindi kayang tawaran ang kanyang credentials at taas ng karerang inabot sa civil service.

Katunayan nagpapalipat-lipat lang siya sa iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sampung taon siya Department bilang wage analyst, senior marketing officer at chief employment officer sa Overseas Employment Development Board (OEDB) at sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Nagtapos siyang cum laude sa School fo Economics ng University of the Philippines (UP) ng kursong A.B. Economics.

At alam ba ninyong mula sa POEA, ibinalik siya sa Department Proper bilang Head Executive Assistant sa Office of the Secretary (OSEC), sa loob ng dalawang taon?!

Pagkatapos ay naging Deputy Executive Director ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).

Mula sa NWPC, ibinalik si Madam Calzado sa Department Proper bilang Assistant Secretary for Policy, Programs and International Labour Affairs, at pagkatapos sa Employment Facilitation and Manpower Development.

Ganyan po siya kagaling.

Pero nagtataka naman tayo kung bakit hindi naipakita ni Madam Calzado sa aktuwal na pagresolba sa kaso ng mga stranded na overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia ang kanyang husay at galing.

Sabihin na nating dalawang taon lang siya riyan sa OWWA, pero hindi ba niya nakita na walang nagtangkang resolbahin ang kaso ng mga overstaying at stranded OFWs sa Saudi Arabia?!

Eksperto naman siya sa research pero bakit hindi hindi niya nahalungkat na halos 11,000 na ang nga stranded na Pinoy sa Saudi?

Hindi rin pwedeng sabihin na kapos sa pondo, e ang laki ng ambag diyan ng OFWs!

080816 saudi duterte Rebecca Calzado

Bilang OWWA chief, naisip kaya ni Madam Calzado na kailangan niyang kumilos nang mabilis para sa kapakanan ng OFW at sa pamilya nilang naririto sa Filipinas?!

Pauwiin kung walang trabaho at bigyan ng air fare ticket kung walang pasahe.

Kung hindi pa naging presidente si Pangulong Rodrigo Duterte ‘e hindi pa napagtuunan ng pansin ang kalagayan ng mga naghihirap kababayan nating na-stranded sa Saudi Arabia dahil sa mga kompanyang biglang nagsara.

Sabi nga ng mga empleyado ng OWWA, dalawang beses lang nilang nakikita si OWWA Chief Ms. Calzado, una, kapag pumapasok sa kanyang opisina, at ikalawa, kapag lumalabas na para umuwi.

Aba ‘e, ‘yan siguro ang comfort zone ni Madam Calzado, ang kanyang opisina?

Sa ikatlong pagkakataon, nakikita nila si Madam Calzado kapag mayroong dumarating na repatriated OFWs at kailangan mag-photo op sa media?!

At dahil komportable naman ang kanyang situwasyon, ni hindi sumasagi sa kanyang isipan na mayroong 11,000 stranded OFWs na hindi alam kung makauuwi pa ba sila sa Filipinas at tatanggapin ba sila ng kanilang pamilya kapag hindi na kayang ibigay ang luhong kapalit ng kanilang kalungkutan at pagtitiis?!

Hindi man lang ba sinagian ng konting kahihiyan si Madam Calzado sa kalagayan ng OFWs sa Saudi?!

Ngayong bago na ang administrasyon, wala kayang balak si Madam Calzado na mag-giveway sa mga very eager magtrabaho para sa kapakanan ng OFWs?!

Mantakin ninyo, sa tagal niyang nakaupo bilang pinuno ng OWWA e ngayon lang niya naisip maglabas ng pera pantulong sa stranded OFWs at pamilya nila.

Mukhang hindi naman siya magre-resign dahil mahaba-haba pa ang kanyang ipaglilingkod sa gobyerno…

Kaya puwede siguro, tumabi-tabi muna siya at bigyan ng daan ang itatalaga ng Pangulo…

Sino na nga ba ang tunay na makakadamay ng ating modern heroes, Mr. President?!

ENERGY SEC. AL CUSI
ANG KATAPAT
NG POWER PRODUCERS!

080816 electricity brown out energy

Ito ‘yung matagal na nating hinahanap.

‘Yung Energy Secretary na hindi kayang lokohin ng power producers. Hindi robot ng malalaking power supplier.

‘Yung kapag nagkaroon ng malawakang brownout ay kailangan magpaliwanag ang power producers at kailangan matukoy nila kung ano talaga ang dahilan ng brownout.

Hindi ‘yung kapag nag-brownout ang isasagot ‘e, “Wala tayong magagawa, minalas tayo.”

Wahahahaha! Sounds familiar?!

Yes korek na may malaking tsek, narinig po natin sa isang dating opisyal ng MIAA ang mga katagang ‘yan.

Ngayon sa katauhan ni Energy Secretary Al Cusi, dating general manager ng Manila International Airport (MIAA), hindi puwede ‘yung walang paliwanag kung bakit nag-brownout.

Sabi nga niya, “nakikita at namo-monitor kung sino ang nagbabawas ng power supply.”

Hindi nga naman puwedeng, basta naisipan lang magbawas ng power supply ‘e biglang magbabawas.

Labag na labag sa batas ‘yan. At si Secretary Al Cusi lang ang naglilinaw niyan ngayon sa mga consumer.

Mantakin ninyo, lahat ng gastos sa energy ay ipinapapasan sa consumers/subscribers pero sila rin ang nasusunod kapag biglang nagbawas ng power supply?!

Tama ba ‘yun?

Ngayong nagbabala si Secretary Cusi na paiimbestigahan ‘yang mga power producers na ‘yan lalo roon sa mga probinsiya, aba ‘e maghanda na kayo! Sulong Secretary Al Cusi!

Now na!

DOTC OTS PERSONNEL
I-RANDOM DRUG TEST!

071016 Drug test

Iba talaga ang bagong administrasyon.

Ngayon naman ay ipinupursige ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang random drug testing sa ilalim ng kanyang tanggapan.

Pero ang request natin, unahin sana ni Secreatry Tugade ang mga staff ng Office for Transportation Security (OTS) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Huwag sana natin kalimutan na kaya nagkaroon ng laglag-bala sa airport ay dahil sa ilang ‘adik’ na staff ng OTS sa NAIA.

Humanap ng delihensiya ang mga ‘adik’ na ‘yan at ang biniktima ay mga kababayan nating dumaraan sa NAIA.

Secretary Art Tugade, tiyak na maraming matutuwa sa inyo kapag natukoy na kung sino ang mga adik na dapat patalsikin diyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *