Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Lola dedbol sa bundol ng taxi
Lola dedbol sa bundol  ng taxi

Lola dedbol sa bundol ng taxi

PATAY ang isang 60-anyos lola makaraan masagasaan ng isang rumaragasang taxi  habang tumatawid sa EDSA kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Ayon kay SPO2 Fernan Romero, ang biktimang hindi pa nakikilala ay isinugod ng Caloocan Rescue Team sa Caloocan City Medical Center ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Batay sa ulat ni Romero, dakong 4:00 am nang maganap ang insidente sa panulukan ng EDSA at Gen. Malvar, ng nasabing lungsod.

Tumatawid ang biktima sa nasabing lugar nang masagasaan ng taxi (ATA-8551) na minamaneho ng suspek na si Bemboy Perquino, 26, ng Evangelista St., Nomar Subdivision, Novaliches, Quezon City.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top