Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Lolo dedo sa suwag ng kalabaw
Lolo dedo sa suwag ng kalabaw

Lolo dedo sa suwag ng kalabaw

LAOAG CITY – Patay ang isang lolo makaraan suwagin ng alagang kalabaw sa Brgy. Madupayas sa Badoc, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ni Senior Insp. Rodelio Santos, hepe ng PNP Badoc, ang biktimang si Perfecto Apricano y Pagarang, 60, walang asawa, isang magsasaka at residente sa nasabing barangay.

Ayon kay Santos, nangyari ang insidente habang tumatawid sa ilog upang iuwi ng biktima ang kanyang alagang kalabaw.

Sinabi ng opisyal, habang tumatawid sila sa ilog ay nagwala ang kalabaw at nang pakalmahin ng biktima ang alaga ay bigla siyang sinuwag. Nasugatan ang biktima sa panga, tiyan at iba pang parte ng kanyang katawan dahilan ng kanyang kamatayan.

Napag-alaman, ito ang pangatlong pagkakataon na sinuwag ng alagang kalabaw ang biktima.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top