Friday , April 19 2024

Siglo FilmFest, umpisa na

MAGAGANAP ang ang kauna-unahang Siglo (Sine Gitnang Luzon Original ) Film Festival na hatid ng CL TV 36 na magaganap sa July 28.

Ayon sa spokesperson ng Siglo na si Jay At Hipolito (Siglo Executive Director), nabuo ang Siglo bilang suporta sa film industry lalo na’t nauuso na ngayon ang paggawa ng mga short films.

“Layunin din nito ang magbigay ng oportunidad sa mga estudyante mula sa iba’t ibang colleges and universities sa Central Luzon at maging sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas na ipamalas ang kanilang husay sa paggawa ng short film na kailagan ay tumatalakay sa Central Luzon.

“Mayroon kaming dalawang category— ang Pinatubo Category  na ang tema ng kanilang magiging short film ay naaayon sa pagputok ng bulking Pinatubo at ang Central Luzon Category  na kailangan namang nauugnay sa

Central Luzon ang tema ng short film.

“Bale tatlo ang napili mula sa Pinatubo Category ang ‘June 15, 1991’, ‘Bulyus’,  at ‘Tres’.

“Samantalang lima naman ang napili sa Luzon Category, ang ‘Pangarap Ko’, ‘Digpa Ning Alti’, ‘Krokis’, ‘Anak ng Demolisyon’, ‘Lumput,’ at ‘Hangang Dito na lang;.”

Ani Jay Ar, magaganap ang one day free screening ng mga nasabing short films ngayong July 28, mula 10:00 a.m.- 2:00 p.m. sa Robinsons Starmill Pampanga na susundan ng awarding ceremony ng 3:00 p.m. sa Robinsons Starmill Pampanga at mapapanood din ang lahat ng mga naging entries sa CL TV 36 (Cable Channel).

Magsisilbing hurado sina Judge Jason Laxamana,  Armando Bing Lao, at Rolly Palmes at ang nga tao sa likod ng Siglo. Ang mga prizes para sa Pinatubo Category ay P25,000 plus DSLR Camera, P20,000 plus GoPro Hero4,  at P15,000 plus GoPro Hero Basic habang sa Luzon Category naman ay P30,000, P20,000, at P15,000.

MATABIL – John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *