Thursday , August 5 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ano nga ba ang mahalaga kay Bea, career o love?
Ano nga ba ang mahalaga kay Bea, career o love?

Ano nga ba ang mahalaga kay Bea, career o love?

FOR the first time, magtatambal sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa pelikulang How To Be Yours sa ilalim ng direksiyon ni Dan Villegas under Star Cinema. Ito’y romantic-drama na nakasentro kina Anj (Bea) at Nino (Gerald) na parehong may mga pangarap sa buhay.

Sa takbo ng istorya, kailangang mamili sila kung career o love ang magiging priority nila sa buhay.

Kung si Bea ang tatanungin, nahirapan siyang sagutin kung love or career ang pipiliin. Aniya, ” Mahirap siya. Depende kung nasaan ka sa status ng buhay mo kung ano ang kailangan mo. Actually, ‘yun ang gusto ko sa pelikulang ito, paglabas mo ng sinehan after watching this movie, tatanungin mo ang iyong sarili, ano ba talaga, choice A or B?

“Ganoon ba talaga ka-black and white, ganoon ba kasimple pagpilian? Ganoon ba kahirap pagbalansehin ? ‘Yun ang gusto kong baon nila after watching this film.

“Sana maka-relate tayong lahat kasi kahit ako personally, naka-relate ako rito.

“In some point, tinanong natin sa sarili natin kung ano ang uunahin. ‘Yung pagmamahal natin para sa taong ito or career.Palaging naitatanong ‘yan.

“Ang sabi nila, kapag suwerte ka sa career, hindi ka suwerte sa love. Sana makita ninyo sa pelikula kung ano ‘yung take namin doon. There’s a point in my life nag-struggle ako, nahirapan ako between love or career,” mahabang paliwanag ni Bea.

Gerald, career muna ang focus

Para naman kay Gerald, career ang priority niya ngayon. ”Medyo weird, right now, this exact moment choice. Love na pipiliin ko kapag nakilala ko na ‘yung babae para sa akin. ‘Yung babae na ready na ako to settledown to have a family. Pero ngayon, career ako kasi gusto kong mag-ipon. Gusto kong paghandaan ‘yung sarili ko kapag nakilala ko siya ibibigay ko ‘yung bahay na gusto niya. Lahat ng gusto niya kaya kong ibigay agad.

“I’m already 27 years old, hindi na ako ‘yung bata sa ‘PBB’. Malapit na ako sa marrying age so, I’m preparing myself. Right now, ang future choice ko career.

“May times in my life na naroon ako, ano ba ang mas matimbang sa inyo? ‘Yung ginagawa ninyo ngayon o ‘yung mahal ninyo sa buhay? It doesn’t mean dahil career ang pinili ninyo… it’s something that you love, mahal ninyo ang ginagawa ninyo, it’s your passion.

“Mahirap ‘yung  struggle na ‘yan, makikita ninyo rito (movie).”

Na-experience nina Bea at Gerald na ipinagpalit sila ng kanilang karelasyon over career. Pero willing naman silang makatrabaho ang kani-kanilang ex dyowa in the near future.

Say ng actor, ”Maraming project ‘yan para sa akin, why not? More project, more blessing, I love  too para sa fans.”

Hindi naman importante kay Bea kung sinuman ang artistang makakasama niya sa isang pelikula. Katwiran niya, mas mahalaga sa kanya ang istorya at niniwala siya sa project.

“Kung naniniwala ako sa sarili ko kaya kong gawin ‘yung proyekto. It’s more than that, hindi ‘yung kung sino ang makakasama ko sa pelikula.”

Walang binabalikang nakarelasyon

Samantala, ayaw magsalita ng tapos ni Bea kung may posiblility na maging sila uli ni Gerald o ng ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo.

“Sa akin, hindi pa siya nangyari. Mahirap magsalita, hindi ko pa napagdaraanan sa buhay ko. Pero hindi ko alam ang mga pangyayari.”

Dugtong naman ni Gerald,  ”Actually, wala pang sagot sa ganoong tanong kasi hindi mo alam kung ano ang puwedeng mangyari. ‘Pag nagsama kayo, okey pa ba kayo? Parang ibang tao na ba siya o gusto pa rin ninyo ang isa’t isa? Hindi ko na nai-experience so I can’t say so, wala pa talagang sagot, it’s just happen.”

Pagsasama, nag-level-up

SA first team-up nina Bea at Gerald, nag-level up ba ‘yung pagsasama nila sa pelikula?

“Physically, nag-level-up siya, pa sexy ng pa-sexy. Napaka- weird parang nagbago lahat sa kanya pero at the sametime parang walang nagbago. Hindi ko alam kung paano ko i-explain ‘yung feeling na ‘yun.

“Minsan may mga conversation kami na hindi namin pinag-uusapan dati. Pero may mga ibang conversation namin parang five years ago na ito.Iba ‘yung feeling, I embrace it and I’m enjoying myself,”  wika ni Gerald.

Very much happy si Bea nakatrabaho niya ang ex-boyfriend na si Gerald. Malaki na raw ang ipinagbago nito kaysa noong time na sila pa. Paliwanag ng dalaga,”Natutuwa akong makita na talagang nag-mature si Gerald, sobra. Ang ganda ng growth niya, ‘first ko sasabihin sa ‘yo ito (Gerald). Alam mong may mga natututuhan ka sa mga pinagdaanan mo’.

“Nakalulungkot naman halimbawa, you have gone through a lot of things in life and yet, wala kang natutuhan, ‘di ba? Parang siya, nakita ko ‘yung scars, nandito pa ang scars. Alam mo na ebidensiya, ang dami niyang natutuhan. Na-admire ko siya ngayon for that. He’s a better person now aside for a fact he is cute.”

Magical ang approach sa love scene

Sa kabilang banda, mag-live-in partner sina Bea at Gerald sa How To Be Yourskaya kailangang may love scene sila sa pelikula. Ayon kay Direk Dan Villegas, “Magical siya. Ang approach namin sa love scene is more romantic. Naka- pedestal ‘yung approach sa love scene.”

Tuwing may bed scene si Bea sa pelikula, may kaba factor pa rin ang actress with his leading man lalo na kay Gerald na naging ex-boyfriend niya.

“Ito na yata ang pinaka-nakakatawa kasi si Gerald biglang magma-macho dance,” sabi niya.

Itinanggi naman ni Bea na nanliligaw sa kanya si Paulo Avelino. Oo nga’t lumalabas sila pero hindi raw nangangahulugan na may something sa kanilang friendship.

Hanggang friends lang daw ang turingan nila sa isa’t isa. Huwag daw bigyan kulay ‘yung pagkikita nila sa Singapore with Enchong Dee.

Oo nga naman.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

About Eddie Littlefield

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top