Thursday , April 18 2024

Nagrereklamong JOs nagsumbong sa MBB

TULOY–TULOY pa rin mga ‘igan ang ‘bukingan blues’ ng mga pangalang sangkot sa illegal drugs lalo ang pagbubuking sa naglalakihang pangalan ng drug lords ng bansa.

Ibang usapin naman mga ‘igan ang kinasasangkutan ngayon ng Manila Barangay Bureau (MBB) ng Manila City Hall, na pinamumunuan ng bago nitong Director na si MBB Director Arsenio ‘Arsenic’ Lacson Jr., katuwang si MBB Assistant Director Ronaldo DL. Moriones.

Aba’y ayon sa aking ‘Pipit’ na malupit, itong si dating MBB Acting Director Virgilio S. Eustaquio ay para ngayong artista! Habulin! Pero, hindi dahil artistahin ang dating!

Hehehe…dahil umano sa pinaggagagawang katiwalian at katarantaduhan sa nasabing Departamento.

Ouchhh…OMG!

‘Di n’yo naitatanong mga ‘igan, kasabay ng pagkakaupo ni Mayor ‘Erap’ Estrada, bilang alkalde ng Maynila, siya naman din pag-upo ni Eustaquio bilang Acting Assistant Director ng Manila Barangay Bureau.

Dahil umano malakas kay Erap… naiupong Acting Director ng MBB. Ayon sa aking ‘Pipit’ na malupit…sa simula pa lamang ng election 2016 noon ay nagsimula na rin siyang kumuha ng sangkaterbang JOs.

Aba’y bakit? Anong meron?

Ito na marahil ang isa sa pinupunto o tinutumbok na Departamento ng Manila City Hell ‘este’ Manila City Hall, ang departamentong halos hindi ka na makakilos sa dami ng empleyado sa loob ng opisina.

Mantakin n’yong mas marami pa umano silang job order contractuals kaysa regular employees. Marahil sila ang mga JO na sumugod kamakailan lang sa MBB at hinahanap si Ka Virgilio Eustaquio.

Aba’y bakit kaya?

Ayon sa aking Pipit na malupit, pinangakuan umano ni Ka Virgilio ang mga JO na susuweldohan nang mahigit P6,000 kada-buwan, simula January hanggang June, 2016.

E mga ‘igan, hanggang ngayon ay hindi pa umano sila sumusuweldo, samantala pinagagawa umano sila ng “Daily Time Record” at pumirma sa ‘period’ na January–June 2016. Ang sigaw nila’y nasaan na ang pera na pinagtrabahuan nila (kuno…he he he…)?

Sus, mukhang mali ang isinisigaw ng mga JO. Ang dapat…”Nasaan na si Ka Virgilio

Eustaquio?”

He he he…

Sa hindi pa malamang dahilan mga ‘igan kung bakit napatalsik si Eustaquio ay hinahanap-hanap pa rin s’ya ng mga JO sa nasabing departamento.

Naku, hinding-hindi ka umano tatantanan ng mga JO hangga’t hindi nila nakukuha ‘yung ipinangako mong suweldo nilang pinagtrabahuan (kuno) nila.

Kilala rin ang ‘mama’ ng mga vendor sa Maynila. Mantakin n’yong paanong hindi makikilala si Ka Virgilio, e…ayon sa aking Pipit na malupit, ‘kotong’ dito ‘kotong’ doon ang ginagawa ng ‘mama’ sa mga pobreng ‘vendor’ sa Maynila.

Walang awa kung umarangkada umano sa pangungurakot ang kanyang mga alipores!

Huhuhu…

Ayon sa mga vendor, halos wala na umano silang kinikita sa pagtitinda, tapos kokolektahin pa ng mga alipores ni kulapo. Nasaan na ang hustisya? Nasaan na rin umano ang mga CCTV ng MBB?

Ayon sa aking ‘Pipit’ na malupit ay bitbit ng  ‘mama’  nang lisanin ang nasabing departamento? Ipinatatanong lang po…

Paging Mayor ‘Erap’ Estrada, nawa’y mapaimbestigahan n’yo po ang ganitong klaseng katiwalian o’ katarantaduhan ng taong pilit na ipinagmamalaki at sinasabing “Tao ako ni Erap.”

Kung may katotohanan po ito’y sisirain ang magandang imahe ng mga lingkod bayan sa inyong administrasyon, maging kayo bilang alkalde ng lungsod ng Maynila. Hindi dapat palampasin. Bagkus, bigyan ng leksiyon nang hindi na pamarisan pa!

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI – ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *