Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gerald, pinanghinayangan si Bea
Gerald, pinanghinayangan si Bea

Gerald, pinanghinayangan si Bea

00 fact sheet reggeeBAGAY na bagay kina Bea Alonzo at Gerald Anderson ang titulo ng pelikula nilang How To Be Yours na idinirehe ni Dan Villegas produced naman ng Star Cinema at mapapanood na sa Hulyo 27.

Kaya namin nasabing bagay ay dahil noong magkarelasyon pa ang dalawa ay para silang aso’t pusa na away ng away dahil sa maraming bagay.

Kaya ang tanong nila sa isa’t isa ay How To Be Yours lalo na sa parte ni Gerald na siya ang may kasalanan kung bakit hindi nagtagal ang relasyon nila ni Bea na summer season lang daw.

Kaya naman nang nagkahiwalay ang dalawa ay aminadong nanghinayang nang husto ang aktor.

“Oo naman, oo, ako. Sabi nga niya (Bea), sabi ko nga immature at the same time, natakot ako sa mga nangyayari sa paligid namin, hindi ko alam paano i-handle. Walang third party sa paghihiwalay namin,” pag-amin ni Gerald.

Inagaw si Gerald kay Kim

Kung matatandaan, taong 2010 naging sina Bea at Gerald right after ng relasyon ng huli kay Kim Chiu na noo’y mainit ang usaping nangaliwa ang aktor.

Kaya naman noong may mga nakaalam na sina Bea at Gerald na ay maraming hindi boto kasi nga ang simpatiya ng tao ay na kay Kim pa noon.

Nabanggit din naman ito ni Bea sa isang interview na isa sa dahilan ng away-bati relasyon nila ng aktor ay dahil sa tahasang pag-amin ng ina ng binata na hindi siya gusto.

Bagay na ikina-shock ng aktres kasi nga akala marahil ng mama ni Gerald ay inagaw ni Bea ang aktor kay Kim.

Pero nagkaliwanagan na sila at ngayong mature na si Gerald ay may posibilidad bang magkabalikan sila?

“Hindi ko po masabi, eh. Hindi ko po alam. Hindi naman po iyan ang iniisip namin.

“Ngayon, we’re just working on a project together na sobrang nag-e-enjoy kami.

“And I must admit nag-e-enjoy talaga akong kasama siya, like sometimes I look forward going to the set to see him, to see Direk (Dan Villegas). So, parang hindi ko kayang pumunta pa roon (balikan si Gerald) as of now.

“Gusto ko lang i-embrace kung ano ‘yung nararamdaman ko ngayon, and that is enjoying every moment right now.”

At walang binabalikan si Bea sa mga nakarelasyon niya kaya hindi niya masagot kung mas masarap na ang pag-ibig sa ikalawang pagkakataon.

“Hindi pa po siya nangyari sa akin, ang hirap kasing sagutin iyan. Ang hirap magsalita ng tapos.

“Pero hindi ko pa po siya napagdaraanan. Hindi pa siya dumarating sa buhay ko,” sagot ng dalaga.

Matagal naging crush si Bea

Inamin naman ni Gerald na matagal na niyang crush si Bea noong nasa General Santos City pa siya at hindi pa sumasali sa Pinoy Big Brother.

“Wala po akong kaalam-alam sa showbiz, hindi ako nakaiintindi ng Tagalog, pero ‘yung isang kaibigan ko nanonood siya ng TV sa amin ng soap, tapos nakita ko siya (Bea), ‘yung soap na ‘Ikaw Ang Lahat Sa Akin’, tapos sabi ko, ‘sino ‘yan (Bea)?’ , sabi ng kaibigan ko, siya nga raw si Bea Alonzo.

“Galing akong Amerika, isang taon palang ako sa Gensan at mga 14 or 15 years old palang ako, tapos 16 years old naman siya (Bea),” pagkukuwento ng aktor.

May halong kilig naman ang tawa ni Bea at ang reaksiyon niya, “siyempre nakaka-babae, nakakikilig, pero noong dati, sinasabi n’ya ‘yun sa akin, noong una hindi ako naniniwala, kasi baka pick-up line lang niya, marami kasi siyang pick-up line pero sa pagiging consistent niya in how many years, naniwala na ako.”

Kaya noong naging girlfriend ni Gerald si Bea ay, “sobrang unbelievable,” saad ng aktor.

Natulala sa muling pagkikita

At ang reaksiyon ni Gerald sa unang araw ng shooting nila ng How To Be Yours, “Noong nag-shooting nga kami, first day namin, sobrang hirap na hirap ako, hindi ako makapaniwala na noong kaeksena ko siya (Bea), unang eksena namin, lalabas siya ng gas station at may dala siyang kape, pagharap ko sa kanya, ‘hala-hala, sabi ng isip ko, oh no, oh no’, anong nangyayari as in natulala ako. Sobrang grateful ako na inilagay ako ni Papa God sa ganitong sitwasyon,” pagkukuwento ng aktor.

Say naman ni Bea, “noong una, to be honest, sobrang weird niya.

“First day, sobrang weird ng feeling, kasi hindi naman kami sanay na nakikita niyong lahat together dati.

“Ngayon, it’s for work. It’s not supposed to be weird, but it was.

“So, siguro nagru-root iyon sa hindi nga kami sanay na kausap ninyo lahat na magkasama. Dati, lahat parang nae-evade, ‘di ba?

“But now, sobrang komportable na namin sa isa’t isa. At sana makita niyo ‘yun sa pelikula ‘pag pinanood niyo.”

Pagiging mature at better person

Sabi pa ng aktres, “dati pa kami actually dapat magtatrabaho together.

“Lagi lang hindi natutuloy. Siguro ngayon talaga ‘yung right timing. Sa akin naman po, wala namang problema kahit na sino ang makatrabaho ko.

“Laging nagdedepende naman iyan sa story, sa character na ibibigay sa akin, kung ano ang nararamdaman ko ng pagkakataon na iyon.”

At nakita na raw ngayon ni Bea ang malaking pagbabago sa leading man niya.

“Ako, natutuwa ako na makita na talagang nag-mature si ‘Ge, sobra.

“Ang ganda ng growth niya. Alam mo na may mga natutuhan siya sa mga pinagdaanan niya.

“Kasi parang nakalulungkot naman kung halimbawa you have gone through a lot of things in life and yet wala kang natutuhan, ‘di ba?

“Parang siya, nakita ko ‘yung kung mayroong scars, ‘yung ang beautiful lang ng scars. Alam mo na from ebidensiya, alam mo na ang dami niyang natutuhan.

“So, mas naa-admire ko siya ngayon for that. And that he’s a better person now, aside from the fact that he’s cute,” masayang kuwento ng dalaga.

Komportable na at may closure

At dahil single si ‘Ge (tawag sa aktor), naghahanap ba siya ng girlfriend?

“Hindi naman po ako naghahanap ng girlfriend, but hindi naman nakasara ang pinto at open naman sa posibleng mangyari sa buhay which is siguro lang, naka-focus ako sa ibang bagay. Wala, eh. Walang oras, ang dami ko kasing commitment sa career at sa ibang ginagawa,” say ng binata.

Naibahagi rin na pinag-usapan nina Bea at Gerald sa set ang nakaraan nila.

“Oo pinag-uusapan namin ang past namin, mga pinagdaanan namin before, oo may closure kasi kung hindi kami okay at hindi namin napag-uusapan ‘yun, tapos at the same time, natatawa pa kami.  We’re on a good level right now at ini-enjoy namin ito.”

Kuwento naman ni Bea, “siguro thru time, nagkaroon kami ng closure. Kasi ‘yung time na ‘yun siyempre, parang hindi ganoon kalinaw kasi. It was just a short-term relationship, so parang sa parte ko, I’m speaking for myself, of course, sana mas marami pa akong na-discover sa kanya.

“Hindi nga namin napagdaanan ‘yung struggles nina Anj at Nino (karakter nila sa ‘How To Be Yours’) kasi maikli lang ‘yung relasyon namin. But when I look back, gusto kong balikan ‘yung time na when we’re together, ‘yun ‘yung ako na carefree, I was young, and that’s always remind me of the time na I’m carefree.”

Ang part ng romance ang gustong balikan ni Gerald kay Bea, “’yung tipong ang daming nangyayari sa careers sa professional life namin na maraming may ayaw, pero kapag kasama ko siya, nakakalimutan ko lahat ‘yun, ‘pag kasama ko siya, sobrang ini-enjoy ko ‘yung moment na nandoon siya sa tabi ko.

“Nakita ko siya na rati na parang nagbago, pero walang nagbago, kung paano siya rati, she’s the same girl na kasama ko rati na parating tumatawa, kapag nagjo-joke ako maski corny na ang joke ko, laging nakangiti, ‘yung carefree na Bea, nakikita ko pa rin kapag magkasama kami.

“Nakikita ko pa rin ‘yung beautiful part of it kasi she’s the same person pero parang version 2.0.”

Komportable na nga ang dalawa kaya siguro masaya nga sa set ng How To Be Yours tulad ng kuwento rin ng dalawa.

Nakatatawang lovescene

May love scene ba sina Gerald at Bea sa How To Be Your.

“Mayroon. Kasi ano siya, eh, istorya siya ng isang relasyon, anatomy of a relationship nga. So, mayroon,” sagot ng aktres.

Anong preparations ang ginawa ng aktres.

“Noong una, kabang-kaba ako. Siyempre naman, ‘pag eksena namang ganyan, lalo na kapag babae ka, nakakakaba naman talaga.

“Pero heto na yata ang pinaka-nakatatawang love scene na nagawa ko. Kasi bigla na lang siyang magma-macho dance na ganyan.

“So, talagang matatawa ka na lang, kaya ang light lang ng approach. Noong ginawa niya ‘yung macho dancing, mas naging komportable ako, mas naging fun na siya,” masayang sabi ng aktres.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top