Thursday , April 18 2024

Erika Mae Salas, dream na i-compose ng kanta ni Marion!

00 Alam mo na NonieANG newcomer na si Erika Mae Salas ay bahagi ng front acts sa ginaganap na mga weekend mall shows ngayon ni Marion. Bukod sa budding singer si Erika Mae, very soon ay magiging artista na rin siya.

Nakahuntahan namin si Erika Mae via Facebook recently at kinamusta namin siya. “Medyo busy po sa schooling, MTV shoots para sa foreign artists at naghihintay pa po ng schedule for recording ng album ko,” sagot niya sa amin.

Pahabol pa niya, “Hopefully by August tapos na po ang trailer na isu-shoot namin for Black Sampaguita Production International na pinamagatang Reyna Engkantada, starring Ms. Lou Baron.”

Sa lahat ba ng mall tour ni Marion ay kasali ka? “Opo sa lahat po ng mall show ni Ate Marion ay isa po ako sa front acts. It’s an honor po for me na makasama ang isang Marion Aunor bilang isa sa front acts niya sa kanyang mall tour. Napakalaking achievements po iyon para sa baguhang katulad ko.

“Napakagaling po ni Ate Marion, hindi lamang sa pagkanta pati na rin sa pag-e-entertain ng mga tao, para po siyang walang kapaguran. Ang dami ko pong natutunan sa panonood sa kanya. Halos kabisado ko na po lahat ng songs na nakapaloob sa album niya dahil sobrang gaganda po ng mga awitin nya.”

Dito’y nabanggit din ni Erika Mae na wish niyang gawan din siya ng kanta ni Marion para sa kanyang album.

“Siyempre po wish ko rin na sana maigawa rin ako ng kanta ni Ms. Marion Aunor in the future. Iyong mga song po kasi niya, siya halos ang nag-compose lahat, very talented na, mabait pa po si Ate Marion,” wika pa ni Erika Mae.

Si katotong Throy Catan ang director ng naturang mall tour ni Marion at bukod kay Erika Mae, kabilang din sa guests dito sina Tori Garcia, Josh Yape, ang mga komedyanteng sina Mj Donayre at Nathan Cabale at ang Names Going Wild Dancers.

Abangan ang kabuuan ng mall tour nina Marion, Erika Mae and company sa SM City Masinag sa July 17, Sunday, 4PM sa Mall Atrium, SM City San Mateo sa July 23 Sat., 4PM sa 2nd Floor, Cyberzone Area, SM City Taytay sa July 24, Sunday, 5PM sa Event Center, SM Center Molino sa July 30, Saturday, 4PM sa Event Center, at SM City Cabanatuan sa July 31, Sunday, 5PM sa 4L, Roof park.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *