Saturday , April 20 2024

GMAAC, maraming arte

WHAT’S wrong kaya sa pamamalakad ng GMA Artist Center?

Pagkatapos bang bakantehin ni Ida Ramos-Henares ang puwesto roon ay may iginanda na ba ang pamumuno ni Simon Ferrer?

Sa isang nakaraang awards night kasi ay muling nakiusap ang isang miyembro ng award-giving body nito na kung maaari’y sumipot si Martin del Rosario sa gabi ng parangal. Si Martin kasi ang nanalong best supporting actor noong isang taon at bilang bahagi ng nakasanayan  ng tradisyon, ipapasa ng last year’s winner ang tropeo sa mananalo ngayong taong ito.

Dahil si Simon ang head ng GMA Artist Center, marapat lang na dumaan sa kanya ang imbitasyon para sa pag-attend ni Martin na ipapasa naman kay LJ Reyes (na nanalong best supporting actress). Kaso, ayaw pumayag ni Simon na kung ano-ano ang ikinakatwiran.

Ito ang maliwanag na kaibahan ng departamentong ‘yon sa counterpart nito saABS-CBN. Wala kasing maraming arte ang pamunuan ng talent center ng Dos, bagkus ay alam nilang kabahagi sila ng karangalang ipinagkakaloob sa kanilang mga artista whether or not Star Cinema o hindi ang produksiyong nagprodyus ng pelikula.

Tulad ng alam ng lahat, nasungkit ni John Lloyd Cruz ang best actor for Honor Thy Father na hindi prodyus ng Star Cinema, yet present si JLC para tanggapin ang award.

Nang makarating nga sa amin ang pag-iinarte ng GMA Artist Center, our apologies to Ferrer pero hindi namin siya kilala. Kahit noong nasa GMA pa kami, walang tunog ng kampana ang kanyang pangalan.

No wonder, marami sa mga artista ng GMA ang napag-iiwanan sa karera ng kasikatan at kakayahan. Mas marami pa kasi roon ang walang trabaho. Kung aktibo man, mga sertipikadong da who!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *