Tuesday , August 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Let us spare my pamangkin — Shaina
Let us spare my pamangkin —  Shaina

Let us spare my pamangkin — Shaina

00 Alam mo na NonieMAINGAT sa pagbibitiw ng salita si Shaina Magdayao ukol sa reklamo ng kanyang kapatid na si Vina Morales laban kay Cedric Lee.

Kung ating matatandaan, nag-file ng complaint to suspend the visiting rights si Vina laban kay Cedric para sa kanilang anak na si Ceana, matapos hindi iuwi ang bata sa loob ng siyam na araw kamakailan.

“We want to be careful sa mga statement na ibibigay namin kasi nasa korte pa siya,” ani Shaina nang matanong kung medyo nakare-relate siya sa istorya ng Dukot, bagong pelikula nila ni Enrique Gil mula sa Star Cinema at Ten 17 Films sa nangyari sa kanyang kapatid.

Ang istorya kasi ng Dukot ay nakasentro sa pamilya ng isang mayamang komisyoner ng gobyerno. Matindi ang pagdaraanan ng pamilya nang si Carlo (Gil) na hindi masyadong kasundo ang ama ay kinidnap. Kalangang mailigtas si Carlo kung hindi ay mapipilitan siyang ipaglaban ang kanyang buhay at tumakas sa mga kamay ng mga walang pusong grupo ng mga mersenaryo na dating mga militar. Umiikot ang istorya sa dalawang pamilya na galing sa dalawang magkaibang mundo.

Ginagampanan ni Shaina sa Dukot, ang kapatid ni Gil.

Ani Shaina medyo naka-relate siya sa sitwasyong nakidnap ang kanyang kapatid na si Gil sa istorya. ”Kasi hindi mo alam kung ano ang nangyayari, lalo na ‘yong sa amin she’s just a little girl. Baby girl, she’s seven years old,” anang aktres. “So nakatatakot na wala ka naman ibang magawa kundi ipagdasal talaga na everything will be okay, ibaba lahat ng ego at pride para sa welfare ng bata.”

Samantala, iginiit naman ni Shaina na hindi sila takot sa kasalukuyang nangyayari sa kanila. ”No one is above the law. We really believe in our system (batas) and naniniwala kami na whatever it is sa tama lang magpe-favor and ating justice at ang ating judges.

“Naniniwala kami na basta tama ka wala kang dapat katakutan especially if it’s for the welfare of my pamangkin ‘di ba? Dapat ‘yung pamangkin na lang namin ang iniisip namin kasi she’s still so young, seven years old, so let us spare her for all this kaguluhan. Ibaba natin ang pride ibaba natin ang ego, roon lang tayo sa tama.”

Sinabi pa ni Shaina na, “One hundred percent ang suporta ng parents namin sa ate ko (Vina) at ang parents namin ‘di man masalita pero sobra ang suporta sa isa’t isa.”

Ipalalabas ang Dukot sa mga sinehan sa July 13 at kasama rin dito sina Ricky Davao, Bing Pimentel, Ping Medina, Alex Medina, Bangs Garcia, Dino Pastrano, at Christopher de Leon. Mula ito sa direksiyon ni Paul Soriano.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top