Thursday , April 25 2024

Dominic Ochoa napaluha sa tagumpay ng “My Super D”

NAKAUSAP namin ng ilang co-entertainment writers sa set visit recently sa Our Lady of Victory Church sa Portrero Malabon, ang title roler ng “My Super D” na si Dominic Ochoa kasama sina Bianca Manalo at Marco Masa, gu-maganap na mag-ina ng comedian actor sa ma-lapit nang magtapos na fantaserye ng Dreamscape Entertainment, at mga director na sina Lino Cayetano at Frasco Mortiz.

Magkasabay na ini-interview sina Dominic at Bianca na parehong thankful at ipinagkatiwala sa kanila ng ABS-CBN at Dreamscape ang proyekto lalo na si Dom, na sobra-sobra talaga ang pasasalamat dahil after two decades ng kaniyang pagiging supporting actor ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bida sa “My Super D.”

Ayon kay Dominic, masaya at mahirap ang naging experience niya sa pagganap na bagong super Hero. Tuwing taping day, sobrang dusa raw ang pinagdaraanan niya lalo na noong summer na sobrang init ng panahon kaya pinagpa-wisan talaga tuwing suot ang costume sa set at pinagagamit ng harness, lalo na sa mga eksenang siya ay lumilipad sa ere.

Pero lahat raw ng pagod at hirap ay napapa-litan ng tuwa dahil sa tagumpay ng pinagbibida-hang serye na nasa huling dalawang linggo na simula ngayong July 11, na bukod sa maganda ang ratings, kilala na ngayon ng mga bata si Dominic bilang si Super D.

Masaya ang actor dahil nakagawa sila ng fantaserye na bukod sa naipakilala nila sa Pinoy audience ang bagong super hero na si Super D ay sumentro rin ang istorya sa pamilya at pagi-ging isang huwarang ama at bayani sa mata ng mga taong nailigtas sa kapahamakan.

Bago nagtapos ang panayam ay hindi napi-gilan ni Dominic ang mapaluha at ‘yung iyak ay masasabing tears of joy sa magandang nangyari sa kanyang career ngayong 2016. Kung sila ni Direk Frasco ang tatanungin, gusto ng dalawa na magkaroon ng Book 2 ang My Super D na ginawa nilang open ang ending kaya asahan ang Part 2 nito in the future.

Mapapanood ang My Super D gabi-gabi bago mag TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Makilipad na gyud!

Launching movie nina Alden at Maine ikinokompara sa foreign films
ALDUB ITINADHANA AYON KAY DIREK MIKE TUVIERA

NANGABOG talaga ang grand presscon ng launching movie nina Alden Richards at Maine Mendoza na “Imagine You & Me,” na ginanap kamakailan sa Novo Hotel sa Araneta Center, Cubao.

Sa flower arrangement with matching photos of ALDUB, kuha sa mga eksena sa movie na nagkalat sa buong venue at catering na very sumptuous ang food, at lahat ng entertainment press ay invited, obvious na no limit ang ginastos sa event ng producer na APT Entertainment na pag-aari ni Mr. Tony Tuviera kasama ang GMA Films at M-ZET Television, Inc., ni Bossing Vic Sotto.

Bukod sa grandiose, ang ganda rin ng presentation ng nasabing presscon at lahat ng mga tanong ng press kina Alden at Maine ay buong ningning itong sinagot ng phenomenal loveteam.

Ngayon pa lang, dahil sa lakas ng feedbacks at positive reviews sa movie na as of now ay humamig na ng almost 2.5 million views ang trailer sa Official Facebook Fan Page ng Eat Bulaga malaki ang posibilidad na magiging blockbuster ito lalo’t kinasasabikan nang mapanood ng ALDUB nation.

Sa ganda ng finished product ng movie na idinirek ni Mike Tuviera na majority ng scenes nina Alden at Maine ay kinuhaan pa sa matulaing lugar ng Como at Verona sa Italy, ikinokompara ang nasabing local movie sa foreign films.

Sa Imagine You & Me ay gagampanan ni Alden ang karakter ni Andrew na isang brokenhearted guy, na naninirahan sa Italya. Isa namang overseas foreign worker si Maine bilang si Gara. Hindi naging maganda ang karanasan ni Andrew sa pag-ibig habang si Gara naman ay hopeless romantic na naghahanap ng kanyang magiging Romeo bilang kanyang M. Right.

Magkaiba ang mundo at pananaw sa pag-ibig nina Andrew at Gara. Incomptible din sila sa isa’t isa. May puwang bang magmahalan ang dalawang taong taliwas ang pananaw sa buhay at pag-ibig?

Damhin ang pag-iibigan nina Andrew at Gara. Makisaya sa mga lambingan nila at makiiyak sa kalungkutan na nadarama nila sa IYM.

It’s worth the wait, ayon pa kay direk Mike. Higit daw ninyong mamahalin ang AlDub loveteam once na mapanood ang movie ng dalawa.

Dagdag ng director, “If there is a proof  that there is such, a thing a destiny that’s Alden and Maine.”

In fairness bagay naman talaga silang dalawa. Showing na sa Cinemas nationwide ang Imagine You & Me starting July 13. Kaliwa’t kanan ang naka-schedule na block screening sa bansa at iba’t ibang panig ng mundo na organize ng ALDUB Nation.

Magtatala ito ng panibagong record gyud!

YOUNG ONES SA LOLA’S PLAYLIST KINABIBILIBAN NINA DABARKADS TITO VIC AND JOEY

Araw-araw iba-iba ang line-up ng oldies songs na kinakanta ng mga bata (lalaki at babae) kalahok sa

“Lola’s Playlist.”

Kaya naman kahit daily mapapanood ang segment na ito sa Eat Bulaga ay hindi talaga pagsasawaang panoorin specially sa mga Dabarkads na ipinanganak noong 60s at 70s na paborito ang mga iconic local and international singers na kumanta ng pinipiling piece ng young ones. Ilan sa songs na na-perform na ay Delilah ni Tom Jones, Only You, Hopelessly Devoted To You ni Olivia Newton John, song ng Bee Gees, Gulong ng Palad ni Vernie Gonzales, Ikaw Ang Ligaya ni Ric Manrique Jr., at marami pang iba.

Maging sina Tito Sen, Bossing Vic Sotto at Joey de Leon na judges sa Lola’s Playlist ay enjoy na enjoy sa mga bagets na nagpe-perform sa entablablado pati microphone na ginagamit ay throwback na throwback ang dating.

Kaabang-abang rin ang tagisan ng mga bata sa weekly finals.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *