Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Sports / Castro, Romeo hinangaan ni Parker
Castro, Romeo hinangaan ni Parker

Castro, Romeo hinangaan ni Parker

NABIGO ang Gilas Pilipinas sa France noong Martes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City pero pinuri ni NBA veteran Tony Parker ang ipinakitang kagitingan ng mga Pinoy dribblers sa 2016 FIBA (International Basketball Federation) Olympic Qualifying Tournament.

Bumilib si San Antonio Spurs point guard Parker kina Jayson Castro at Terrence Romeo na naghalinhinan bantayan siya.

“They were pretty good, they were very aggressive, they tried to make stuff happen,” patungkol ni Parker kina Castro at Romeo sa post-game interview.

Nagtala si Parker ng 21 points para tulungan ang France na kaldagin ang Gilas Pilipinas, 93-84 at kailangan na lang na talunin ang New Zealand sa susunod nilang laro para sumampa sa pangalawang elimination round.

Nakalamang ang Philippine team ng 10 puntos sa sa first quarter pero unti-unting lumapit ang France at nakuha nila ang bentahe sa third canto.

“They played with a lot energy, they played a great game.” ani Parker.

Huling laro ng Gilas ang New Zealand at nasa must-win situation sila. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top