Thursday , November 13 2025

Gerald kinabahan man, pasado naman sa Memory Channel

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Gerald Santos na kabado siya sa ginawang pag-arte sa kanyang debut movie na Memory Channel na kasali sa World Premieres Film Festival (na tatagal hanggang July 10) kaya naman malaki ang pasasalamat niya kay Epy Quizon na kasama niya sa pelikulang pinamahalaan ni Raynier Brizuela (na siya ring may screenplay).

Ani Gerald sa ilang panayam, malaki ang naitulong sa kanya ni Epy para maging kampante sa pagganap sa papel ni Leo la Torre, isang singer na nagkaoon ng retrograde amnesia dahil sa aksidente. Dahil sa aksidente, nagkaroon siya ng anxiety at panic attack kaya hindi na naging normal ang kanyang pamumuhay.

Ginagampanan naman ni Epy ang umano’y isang psychiatrist na lalong nagpalala sa kondisyon ni La Torre. Kasama rin sa pelikula sina Bodjie Pascua, Patrick Patawaran, Arvy Viduya, at Michelle Vito.

Actually, masasabing hindi na bago ang pag-arte para kay Gerald (bagamat ito pa lamang ang nagawa niyang pelikula) dahil nakaganap na siya sa teatro at sa dalawang musical, ang Sino Ka Ba, Jose Rizal? Ng Gantimpala Theater Foundation at Pedro Calungsod ng Spectrum Creative Works.

Ayon kay Gerald, medyo nahirapan lamang siya sa pag-adjust ng pag-arte mula sa teatro tungo sa pelikula. Mas Malaki raw kasi ang movements sa teatro at may pagka-exaggerated samantalang sa pelikula, ”subdued and you should under-act.”

At kung tatanungin si Gerald kung pasado ba para sa kanya ang ginawa niyang pag-arte sa Memory Channel, sinabi nitong, ”Enough, I think. I guess that I delivered, that I was able to give justice to the role.”

At para sa aming obserbasyon, tama lamang ang ipinakita niyang arte at nakumbinse naman niya kami sa iniarte niya. Kumbaga, pasado siya bilang ito ang una niyang pagganap sa isang pelikula.

Sa kabilang banda, ipinagdiriwang ni Gerald ang kanyang ika-10 taon sa showbiz at magkakaroon siya ng concert sa Setyembre 23 sa SM SkyDome.

Palabas pa ang Memory Channel sa SM North Edsa at SM Megamall. Ang World Premieres Film Festival (Manila ay brainchild ni Briccio Santos (head ng Film Development Council of the Philippines).

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dr Jennifer Boles sa Gawad Pilipino Awards

Dr. Jhen Boles Gawad Pilipino awardee 

MATABILni John Fontanilla MULING tatanggap ng bagong parangal si Dr. Jennifer Boles sa Gawad Pilipino Awards 2025 bilang isa …

Nadine Lustre Sarsa

Nadine ibinahagi istorya sa viral picture na may hawak na sarsa

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang guesting sa Ang Walang Kuwentang Channel nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac, …

Ryan Bang Paola Huyong Vice Ganda Ion Perez

Ryan may ibinuking kina Vice Ganda at Ion: role model sa pag-ibig

MA at PAni Rommel Placente NAKASAMA nina Vice Ganda at Ion Perez ang anak-anakan nilang si Ryan Bang sa  7th anniversary celebration …

Mr M Johnny Manahan MVP MediaQuest

Mr M tutuklas ng mga bagong iidolohin sa TV5

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pagpasok ni direk Johnny Manahan o Mr. M sa TV5 bilang mamamahala sa artist center …

Edu Manzano Carla Abellana Anne Curtis Dennis Trillo Alden Richards Vice Ganda

Edu, Carla, Anne, Dennis, Alden, at Vice walang tigil sa pag-usig sa mga korap

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HABANG isinusulat namin ang column na ito ay nananalasa sa buong …