Saturday , April 20 2024

Maine, ‘di takot mawala ang kasikatan

00 fact sheet reggeeNATUWA ang entertainment press sa ginanap na presscon ng Imagine You & Memovie nina Maine Mendoza at Alden Richards dahil bukod sa bonggang parapol ay nakatutuwa rin ang mga sagot ng dalawang bida.

Ang ImagineYou & Me ay produced ng APT Entertainment, M-ZET Television, at GMA Films mula sa direksiyon ni Mike Tuviera na ayon sa kanya ay hindi naman sila pressure na kumita ng malaki ang pelikula dahil ang katwiran ay giving back the favor sa fans ang first movie ng AlDub dahil sa suportang ibinigay sa kanila sa loob ng isang taon na.

Sa buong Italy daw ang shooting ng Imagine You & Me bagay na nakadagdag ganda sa pelikula dahil ito na ang uso ngayon sa mga pelikula at teleserye na nagsu-shoot o taping sa ibang bansa para pang-akit sa manonood.

Sabi nga ni Alden, ”’yung sceneries, ang ganda po ng locations namin, isa po ‘yun sa highlight ng pelikula.”

Nagulat din daw si direk Tuviera sa kuwento sa kanila ng Italian counterpart nila na ngayon lang daw nangyari na sumusunod ang fans kina Maine at Alden, hindi katulad nang mag-shoot sina George Clooney at Brad Pitt ng Ocean’s 12gayundin ang mga pelikula ni Johnny Depp.

“They (Pinoy fans) were very nice, sometimes they bring us Pinoy food, kasi some of the cast, pasta everyday and all of that. They would bring adobo,” kuwento ni direk Mike kung gaano kasikat ang AlDub sa Italia.

Ayon kay Maine, sobrang pressure sila ng ka-loveteam niyang si Alden sa unang pelilkula dahil hindi porke’t napuno nila ang Philippine Arena sa Tamang Panahon ay hindi ibig sabihin na magiging kampante sila sa Imagine You & Me.

“Hindi po mawawala ang pressure o kaba talaga sa outcome ng movie kasi maski po kami kinakabahan talaga anong kalalabasan. Sigurado naman po ako na magiging maganda ito since maganda naman po ang istorya at talagang pinaghirapan po ito nina direk at kami po lahat, so sana po maging successful,”sabi ni Maine.

Say naman ni Alden, “opo (pressured) sa lahat naman po ng ganitong nangyari sa buhay ng mga tao especially po sa amin ni Maine as love team is after ‘Tamang Panahon’, the second biggest break po of our loveteam.  Excited po kami at kinakabahan kasi ang taas po ng expectation ng mga tao. Pero based po sa naririnig naming feedback after mapanood ang trailer, we’re looking forward for the movie and very excited to show this film on July 13.”

Sabi pa ni Maine, ”at abangan n’yo po ‘yung twist ng pelikula.” Dahil ‘yung trailer daw ay patikim pa lang ng pelikula.

Samantala, natanong si Maine kung okay sa kanya kung i-partner sa iba si Alden,”well, susuportahan ko naman po si Alden kung ano ang gagawin in the future after the movie, susuportahan ko pa rin po siya kahit hindi ako ang kapartner niya.

Maski na super sikat na ang AlDub loveteam ay hindi naman sila nawawalan ng bashers kaya naaapektuhan ba si Maine kung ano ang masasabi niya sa bashers niya?

“Well, sa akin ang lagi lang namang ibina-bash ‘yung hitsura ko, kesyo malaki ang bibig ko, malaki ang tiyan ko, na hindi ako makinis. Pero ‘yun, keri-keri lang ‘yun kasi Diyos ko, panlabas na hitsura lang naman ‘yun. Siguro ‘yung ano na lang, ‘pag idinadamay ang family kasi wala naman silang kinalaman dito. Sa sobrang eager na makahanap ng butas, so nadadamay ‘yung mga taong walang kinalaman,” pahayag ni Maine.

Nabanggit ni Maine na mahilig siyang magbasa ng libro at hopeless romantic pa at ang gusto niyang librong binabasa ay mga novel ni Nicholas Sparks.

Kaya nakapagbibigay daw kasi siya ng love advises, ”siguro po, bukod sa experiences ko, roon na rin ako kumukuha ng hugot-hugot, siyempre sa mga napapanood ko po, siguro roon lang ako kumukuha,” kuwento ng dalaga.

Indirect namang inamin ni Maine na may boyfriend siya dahil noong tanungin siya ng diretso kung mayroon ay, ”ahhh, tubig (sabay taas ng baso), ha, ha, ha.”

Hala, ayaw ng fans na may ibang karelasyon si Maine dahil gusto nila ay si Alden lang ang laman ng puso’t isipan niya.

Ano naman ang masasabi ni Maine na kung hindi dahil kay Alden ay hindi siya sisikat o makikilala, nao-offend ba siya?

“Ay, di hindi po, kasi unang-una sa lahat, hindi po ako takot na mawala ‘yung kasikatan ngayon. Kasi po ang main purpose ko naman kaya ko ito ginagawa ay para magpasaya ng tao kasi nakikita ko silang masaya and nai-inspire ko sila so, ginagawa ko lang talaga ‘yung gusto kong gawin, ‘yung pangarap ko po, magpasaya ng ibang tao. Okay lang po sa akin ‘yung mga ganoong bagay, wala lang, simple lang po ako.”

At dahil sobrang sikat na talaga ni Maine ay natanong kung puwede na niyang sabihing masusundan niya ang yapak nina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo.

“Hindi po, malayo po,” mabilis na sagot ng dalaga. ”Hindi po, wala pa po ako sa dumi ng kuko nila, hindi po ako aabot sa ganoon,” mabilis na pahayag ng dalaga.

Mapapanood na ang Imagine You & Me sa Hulyo 13 mula sa APT Entertainement at sa direksiyon ni Tuviera.

Bukod kina Alden at Maine ay kasama rin sina Jasmine Curtis-Smith, Cai Cortez, Kakai Bautista, at Irma Adlawan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *