Friday , August 15 2025

Baby Go, naniniwalang pasado bilang sexy star si Nathalie Hart

00 Alam mo na NonieNANINIWALA ang lady boss ng BG Productions International na si Ms. Baby Go na pasado bilang sexy star si Nathalie Hart. Sa pelikula nilang Siphayo na pinamamahalaan ni Direk Joel Lamangan, todo ang ginawang pagpapaka-daring ni Nathalie. Todo-hubad talaga siya sa mga eksena rito.

“Oo naman, puwede talagang maging sexy star si Nathalie. Daring siya at sexy talaga si Nathalie sa pelikula naming Siphayo. Balita ko, talagang wala siyang reklamo sa shooting kahit kailangan niyang maghubad dito. Kung ano ang sabihin ni Direk Joel, wala siyang arte o kiyeme,” saad ni Ms. Baby.

Dagdag pa niya, “Talagang palaban sa Siphayo si Nathalie at ginagawa niya ang lahat para sa ikagaganda ng pelikula.”

Bukod kay Nathalie, ang Siphayo ay tinatampukan din nina Luis Alandy, Joem Bascon, Allan Paule, at iba pa.

May frontal nudity sa pelikula si Nathalie dahil target nito ang international filmfest, kaya sure kaming talagang magmamarka sa pelikulang ito ang aktres.

Base sa nasagap pa naming tsika, talagang walang kiyeme si Nathalie sa hubaran at sa love scene niya rito. Mayroon daw eksena si Nathalie na naliligo na hubo’t hubad at walang plaster.

Kuwento naman sa amin ni Dennis Evanglista, resident supervising producer ng BG Productions, “May frontal nudity rito si Nathalie, may eksena siyang bumukaka nang walang panty!”

Dagdag pa niya, “Tatlong mag-aama ang tinuhog niya rito e, sina Luis Alandy, Joem Bascon, at Allan Paule. For matured audience talaga ang film, hindi malaswa pero okay lang na maging R-18 ang rating.”

Launching movie ito ni Nathalie at aminado ang aktres na masa-shock ang viewers sa gagawin niya rito.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Judy Ann Santos

Judy Ann naisalba ng mga ipong alahas

RATED Rni Rommel Gonzales NOONG mga panahong hindi pa siya sikat at hindi pa kumikita …

Jake Zyrus Charice Pempengco Cheesa

Netizens kinikilig kina Jake Zyrus at GF Cheesa 

MATABILni John Fontanilla KINILIG ang ilang netizens sa litrato ng Pinoy international singer na si Jake …

Kathryn Bernardo

Kathryn masungkit kayang muli ang Best Actress sa FAMAS?

MA at PAni Rommel Placente INANUNSIYO na ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS ang mga …

Vice Ganda Jetski Holiday

Nanay Rosario ni Vice Ganda isinali sa bashing; Pokwang may pakiusap

MA at PAni Rommel Placente IDINAMAY ng mga taga-suporta ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nanay ni Vice …

AZ Martinez Gracee Angeles SCD Skin Care Depot

AZ Martinez dinaragsa ngblessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGUGULAT pa rin si AZ Martinez sa importansiyang natatanggap niya matapos ang partisipayon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *