Thursday , April 18 2024

Juday: Virgin pa si Sarah

00 fact sheet reggeeEh, si Sarah Geronimo na tinawag na Popstar na planong magbakasyon ng dalawang buwan?

Mabilis na sagot ni Juday, “lahat ng stars nagpapahinga kaya ibigay natin iyon sa kanya kasi unfair naman na nagpahinga lang, buntis (tsismis kay Sarah) kaagad?

“Sabagay ako ilang beses ba akong naintrigang nabuntis noong dalaga ako, bigyan natin siya (Sarah) ng chance magpahinga kasi noong time naman na dire-diretso siyang nagtatrabaho, hindi naman tayo nakaririnig sa kanya.

“So, ngayong nagpapahinga siya, wala tayong karapatang mag-reklamo, deserved niya ‘yun,” pagtatanggol ni ate Juday sa kanyang little sister sa showbiz.

Iisa kasi ang duda ng lahat na baka gusto ng mag-asawa ni Sarah sa boyfriend niyang si Matteo Gaudicelli.

“She’s 27, she’s working since 15 o 14, ako naman din may mga burned out moments noong dalaga ako, ngayon lang mas lumalala ang dating ng isyu sa tao kasi ang daming nakikialam, nama-magnify ng social media, tapos lahat ng tao may opinyon, so I think (it’s) unfair na husgahan si Sarah kasi gusto lang niyong tao na magpahinga?

“Hindi pa puwedeng isipin natin na kaya niya gustong magpahinga, eh, dahil gusto niyang mag-aral? Baka puwedeng iyon muna bago tayo mag-jump ito conclusion na buntis siya?

“Yes gusto niyang mag-aral, gusto niyang bumalik sa pag-aaral, pinu-push ko siya, kung gusto niyang mag-aral, go basta kung saan siya masaya, go, she deserves it. We really happy (for Sarah),” paliwanag ni pa ni Budaday.

Paano kung totoo ang tsikang gusto na nga ni Sarah na mag-asawa? “Twenty seven na siya, puwede na siyang mag-decide kung ano ang gusto niyang gawin.”

At ang reaksiyon ni Juday sa sinabi ng manager ni Sarah na ‘virgin’ pa ang aktres, “naniniwala naman ako roon (natawa) oo naniniwala ako, bakit masama bang maniwala sa mga kaibigan na sila na ganoon, ha, ha, ha?” masayang sagot ng aktres.

Pero naniniwala pa rin si Budaday na virgin si Sarah tulad ng sinabi ni boss Vic del Rosario.

Binanggit namin na noong naglayas si Sarah ay kay Matteo raw nakitira muna.

“Ay hindi, kasi bakit nga hindi ko nabalitaan?” balik-tanong sa amin.

Dugtong pa, “mayroon bang proof na roon siya tumuloy?”

“Wala akong pinapanigan, pero walang nakarating kasi sa akin at the same time, nirespeto ko ‘yung privacy na hinihingi ni Sarah noong time na ‘yun.

“Hindi ako nagtanong, because naniniwala ako na gusto niya ng time for herself. May mga naririnig ako, pero hindi ko siya kinompronta about it,” pagtatanggol pa ni Juday.

Muling kinulit ang Kusina star kung naniniwala siyang virgin pa talaga si Sarah gayung may boyfriend ang Popstar.

“Ewan ko sa inyo, bakit ba ginagawa ninyong isyu?”sabi kaagad ng aktres.

Natanong naman si Judy Ann kung sino sa mga sikat na loveteams ngayon ang gusto niyang makatrabaho tulad ng KathNiel (Kathryn Bernardo/Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano/Enrigue Gil), AlDub (Alden Richards/Maine Mendoza), at JaDine (James Reid at Nadine Lustre).

“Kung sinong available sa kanila, anytime puwede ako at saka gusto ko rin malaman kung sino sa kanila ang naka-focus sa craft nila. At saka ‘yung tipong nasa side ka na sa ‘Titas of Manila’, ha, ha, ha, kaya nag-e-explore ka na lang ng mga puwede mong gawin kaya I’m more than willing to work all of them,” masayang sabi ng aktres.

Anyway, makakasama ni Juday sa Kusina movie sina Joem Bascon, Luis Alandy, Angeli Bayani, Elora Espano, Ms Gloria Sevilla at marami pang iba mula sa teatro.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *